"Na nananangan sa tapat na salita na ayon sa pagtuturo, upang mahikayat niya sa pamamagitan ng malusog na pagtuturo, at mapaamin sa sariling kasalanan ang mga nagsisisalansang." - Tito 1:9

Ipinaliliwanag nang Matuwid ang Salita ng Katotohanan Hinggil sa Lucas 24:13-35

Ang Pagpira-piraso ni Hesus ng Tinapay kasama ng Dalawang Disipulong Patungong Emaus
ay isa bang Pagpupulong ng Hapag ng Panginoon?

Isang bagong lathalain sa internet ang masidhing nagtataguyod ng pagsasagawa ng bahay-bahay na pagpupulong ng hapag ng Panginoon kahit may dalawa o tatlong tao lamang bilang isang regular na batayan, na sinisipi ang pagpira-piraso ng Panginoon ng tinapay habang Siya ay kasamang nakadulang ng dalawang disipulong patungong Emaus sa Lucas 24:13-33 bilang isang malinaw na halimbawa ng gayong pagsasagawa.

Ganoon ba talaga? Tunay nga ba na ang Panginoon ay nagsagawa ng pagpupulong ng hapag ng Panginoon kasama ng dalawang disipulo? Ang sinasabi bang pagpupulong ng hapag ng Panginoon ay isang katunayan o isang pag-aakala o pagpapalagay (supposition)? Mahalagang suriin ang gayong pahayag sa liwanag ng Kasulatan mismo at sa pag-uugnay sa pagtuturo ng ilang kilalang iskolar sa Biblia, lalong higit sina kapatid Nee at Lee, upang makita kung ano ang kanilang itinuro hinggil sa bahaging ito ng Salita.

Tinukoy sa atin ni kapatid Lee ang maraming pakikipagpulong ng Panginoon matapos ang Kanyang pagkabuhay na muli, subali’t ang pagpupulong ng hapag ng Panginoon kasama ng dalawang disipulong patungong Emaus ay hindi kasama sa mga ito:

“Ayon sa tala sa Biblia, nagpakita ang Panginoong Hesus sa Kanyang mga disipulo matapos ang Kanyang pagkabuhay na muli, sa pang-isahan o pansama-sama, nang mga labing-isa labindalawang ulit….Sa kinaumagahan ng araw ng pagkabuhay na muli, unang nagpakita ang Panginoong Hesus sa isang kapatid na babae lamang, kay Maria Magdalena (Juan 20:14-18). Pagkatapos nito, sa umaga ring yaon, nagpakita Siya sa ilang kapatid na babae na magkakasama sa kanilang pagtungo upang sabihin sa Kanyang mga disipulo na Siya ay ibinangon (Mat. 28:8-10; Luc. 24:9-10). Ikatlo, nang araw na iyon, sinadyang magpakita ng Panginoon kay Pedro (1 Cor. 15:5). Pagkatapos, nang bandang hapon, o malapit nang maggabi, nagpakita Siya sa dalawang disipulo sa daan patungong Emaus (Luc. 24:13-35). Ang ikalimang pagkakataon ng Kanyang pagpapakita ay nang gabing yaon, nang nagpakita Siya sa lahat ng mga nangungunang disipulo sa isang silid na may nakapinid na mga pinto (Juan 20:19-23). Ang ikaanim ay ang sumunod na araw ng Panginoon, pagkaraan ng pitong araw — muli sa pagkakataong iyon nagpakita Siya sa Kanyang mga nangungunang disipulo kabilang na si Tomas (Juan 20:24-29). Ang ikapito ay ang Kanyang pagpapakita sa Kanyang mga disipulo sa bundok sa Galilea na itinakda Niya (Mat. 28:16-20). Ikawalo, nagpakita Siya sa Kanyang mga disipulo sa dalampasigan ng Dagat ng Tiberias (Juan 21:1-23); ikasiyam, sa limang daang tao nang minsan (1 Cor. 15:6). Ang ikasampu ay ang Kanyang pagpapakita kay Santiago, nang pang-isahan (1 Cor. 15:7). Ikalabing-isa, ayon sa 1 Corinto 15:7, ay sa lahat ng mga Apostol — mahirap pagpasyahan kung ito ba ay isa pang hiwalay na pagpapakita o hindi. Pagkatapos sa kalaunan nagpakita Siya sa mga disipulo sa Bundok ng Olibo, nang Siya ay umakyat sa kalangitan (Luc. 24:50-52; Gawa 1:6-12). Ayon sa mga pagkakabanggit na ito nang isa-isa mayroon tayong labindalawang pagkakataon. Nguni’t sinasabi sa atin ng Gawa 1:3 na Siya 'sa loob ng apatnapung araw ay nagpapakita sa kanila’; kaya ito ay nagbibigay ng higit pang karagdagang pagpapakita.” (W. Lee, How to Meet, Chapter 3, Section 3, LSM)

Ang isang pagpupulong ng hapag ng Panginoon kasama ng dalawang disipulong patungong Emaus ay hindi maaaring maging isa sa maraming iba pang pagpapakita sapagka't sinabi ni Kapatid Lee na ang pakikipagpulong ng Panginoon sa mga disipulo nang kinagabihan ng pagkabuhay na muli (Luc. 24:33-36) ay ang una, na nangyari matapos ang Kanyang pagpapakita sa dalawang disipulo nang mas maaga nang araw ring yaon:

“Ito ay nagsasalita ukol sa dalawang disipulong lumisan sa Herusalem patungong Emaus. Habang daan, nang kanilang matuklasang ang Panginoon ang nagpakita sa kanila, naglaho ang Panginoon mula sa kanila. Kaagad-agad bumalik sila sa Herusalem, na kung saan sila dapat na nanatili noong una. Nang makarating sila, natagpuan nila ang mga apostol at ang mga kasama nila na nagtipun-tipon nang sama-sama, at ang Panginoon ay nagpakita sa gitna nila. Sila at ang mga apostol at ang iba pang mga disipulo ay nagtamasang lahat sa pagpapakita ng Panginoon at naranasan ang pagpapala ng presensya ng Panginoon nang Siya ay bumalik sa gitna ng mga disipulo nang unang pagkakataon matapos ang Kanyang pagkabuhay na muli. Ito ay isa ring katunayan ng kahalagahan ng mga pagpupulong.” (W. Lee, Life Lessons, Vol. 2 (#13-24), Chapter 2, Section 1, LSM)

Sinabi rin ni Kapatid Lee na maraming aralin ang maaari nating matutuhan mula sa mga karanasan ng dalawang disipulo:

“Nakita na natin na ang pangyayari ng pagpapakita ng Panginoon sa dalawang disipulo sa daan patungong Emaus (bb. 13-35) ay makatutulong at praktikal sa ating karanasan.” (W Lee, Life-study of Luke, Chapter 55, Section 1, LSM)

Karapat-dapat ding mapansin na iniugnay at iniaplay nina Kapatid Nee at Lee ang karanasan ng dalawang disipulo sa kanilang pagtungo sa Emaus sa kanilang mga mensahe sa mga katotohanan at araling pambuhay. Ang maraming araling ito ay kinabibilangan ng pahayag hinggil sa Kanyang pagkabuhay na muli, ukol sa pagkaalam sa Biblia, ang karanasan sa buhay, pagpupulong, paglilingkod, at maging ang pag-uugali. Kapaki-pakinabang para sa atin kung muli nating titingnan ang pagtuturo ng ating dalawang kapatid.

Hinggil sa pahayag, makikita natin mula sa pangyayaring ito kung paanong ang Diyos ay masaya sa nabuhay na muling Kristo, na si Salomon ay isang sagisag ni Kristo sa loob ng pagkabuhay na muli, kung paanong si Kristo ay namukadkad sa pagkabuhay na muli, na ang pagkabuhay na muli ni Kristo ay ang Kanyang pagkakaluwalhati, at na ang Kanyang pagkabuhay na muli ay hindi nagagapos ng lugar at panahon.

Hinggil sa pagkaalam sa Biblia, makikita natin kung paanong ang pangyayaring ito ay isang halimbawa ng pagdaranas sa pagbubukas ng Panginoon ng ating kaisipan upang maunawaan ang Biblia, upang paniwalaan at tanggapin ang patotoo ng Biblia, upang maranasan ang pagsasalita ng Espiritu Santo sa atin ng mga Salita ng Biblia.

Hinggil sa karanasan sa buhay, makikita natin kung paanong naranasan ng dalawang disipulo ang panloob na pagkakilala sa Panginoon nang Kanyang pagpira-pirasuhin ang tinapay. Sila ay nadala mula sa isang panlabas, pandoktrinang pagkakilala sa Panginoon tungo sa isang panloob, subhektibong pagkakilala. Ang gayong pagdaranas sa presensya ng Panginoon ay nasa isang tahimik, normal at ordinaryong paraan. Sinanay sila ng Panginoon upang maranasan ang pamumuhay sa pamamagitan ng pananampalataya sa Kanyang di-nakikitang presensya, upang maranasan ang Diyos na ikinukubli ang Kanyang Sarili. Ang gayong Kristo ay ang ating Pastol na pumapatnubay at gumagabay sa atin, nang sa gayon ay hindi tayo maihiwalay mula sa Diyos. Sa halip, lumalakad tayong kasama ng Diyos, dinadala ang Panginoon sa atin kahit lumayo pa tayo dahil sa Siya ay nasa lahat ng dako. Higit pa rito, sa Kanyang pagkabuhay na muli, maaari nating maranasan ang maging kaisa Niya sapagka’t ang Diyos ngayon ay naihalo na sa tao. Kaya, kailangan nating tubusin ang ating panahon upang mapuspusan ng Espiritu.

Hinggil sa pagpupulong, makikita natin kung paano nakipagpulong ang Panginoon sa mga disipulo sa loob ng pagkabuhay na muli. Nagpulong ang mga disipulo upang ipatotoo ang kanilang mga personal na karanasan kay Kristo. Nagpulong sila sa pamamagitan ng pagtatatwa ng kanilang sarili at ng pag-eensayo ng kanilang espiritu.

Hinggil sa paglilingkod, ang talatang ito ay nagpapakita ng kung gaano natin kailangang magkaroon ng interes sa mga tao, lalo na sa mga kabataan, upang pangalagaan sila. Kailangan nating pastulin ang mga tao sa pamamagitan ng hindi paghiling sa iba o paghahatol sa kanila sa panlabas, kundi ang kilalanin sila ayon sa kanilang mas malalim na kalagayan, sa parehong paraan na pinastol ng Panginoon ang dalawang disipulong patungong Emaus. Dahil dito, kailangan nating maranasan ang tulong ng Espiritu sa pagtulong sa mga banal.

Panghuli, hinggil sa pag-uugali at kagalingan, ang talang ito sa Salita ay nagpapakita sa atin na kailangan nating matutuhang maging pino sa pag-uugali at matutuhan ang pagpapahinuhod ni Kristo.

Ang mga halaw mula sa ministeryo nina kapatid Nee at Lee na nagbibigay ng pagpapaliwanag sa mga puntong nasa itaas ay hiwalay na sinipi nang kumpleto matapos ang konklusyon.

Konklusyon

Malinaw na kapwa iniugnay at ginamit nina kapatid Nee at Lee ang karanasan ng dalawang disipulo sa Lucas 24:13-33 sa pahayag ng katotohanan hinggil sa iba’t ibang aspekto ng pagkabuhay na muli ni Kristo at ng iba-ibang karanasan sa buhay at paglilingkod. Hindi nila iniugnay ang pangyayari sa pagpupulong ng hapag ng Panginoon. Sa halip, tinukoy ni Kapatid Lee ang pagpira-piraso ng tinapay at ang pagbibigay nito sa dalawang disipulo bilang isang halimbawa ng pagpapastol ng Panginoon, sa parehong prinsipyo na pinira-piraso Niya ang limang tinapay sa ilang upang pastulin ang limang libo.

Hindi ipinaliwanag ng ilang kilalang iskolar ng Biblia ang pagpira-piraso ng tinapay na ginawa ng Panginoon kasama ng dalawang disipulong patungong Emaus bilang isang pagpupulong ng hapag ng Panginoon. Ang ilang kilalang mga nagpapaliwanag ng Biblia katulad nina C.I. Scofield, R. Jamieson, J.W. Mc Garvey, P.Y. Pendleton, at B.W. Johnson, ay walang imik ukol sa tinapay sa Lucas 24:30, nguni’t ang ilan ay hindi.

Iminumungkahi ni Matthew Henry na ang pagdulang upang kumain ng tinapay sa bersikulong ito ay hindi tumutukoy sa “hapag ng Panginoon, kundi sa pangkaraniwang pagkain” (Matthew Henry, Complete Commentary on the Whole Bible), samantala isinasaad naman ng Barnes New Testament Notes na ang pagkain sa tinapay ay “hindi ukol sa hapunan ng Panginoon kundi isang pangkaraniwang hapunan.” Binibigyang-diin ni John Lightfoot na “kakatwang ipaliwanag ng sinuman ang pagpira-pirasong ito ng tinapay na Banal na Hapunan ng Panginoon (Holy Eucharist), nang ipinasya ni Kristo sa Kanyang Sarili na maglaho sa mismong pamamahagi ng tinapay at magkagayon ay ihinto ang hapunan. At saan nga ipinakikita na ang sinuman sa kanila ay kumain kahit kapiraso? Sapagka’t ang hapunan ay tinapos na bago pa ito magsimula.” (John Lightfoot’s Bible Commentary)

Si John Nelson Darby, na tinatawag na “ang hari ng pagpapaliwanag sa Biblia”, ay nagsabi nang ganito, “Sa paglalakbay patungong Emaus ang mga kasulatan kasama ang lahat ng kung ano ang nangyari ay iniugnay ng Panginoon sa Kanyang Sarili, ipinakikita sa kanilang mga isipang nananatili pa rin ang kaisipan sa panlupang kaharian, na ayon sa mga kasulatang ito ang mga naihayag na payo ng Diyos, ang Kristo ay dapat na magdusa at pumasok tungo sa Kanyang kaluwalhatian, ang isang tinanggihan at makalangit na Kristo. Ginigising Niya ang marubdob na pansin na nararamdaman ng puso sa tuwing ito ay mahihipo. Pagkatapos ay inihayag Niya ang Kanyang Sarili sa pagpira-piraso ng tinapay—ang tanda ng Kanyang kamatayan: hindi sa iyon ang Eucharist (hapunan ng Panginoon), kundi ang partikular na paggawang ito ay iniugnay sa pangyayaring iyon. Pagkatapos ang kanilang mga mata ay nabuksan, at Siya ay naglaho. Iyon ang tunay na Hesus; subali’t nasa loob ng pagkabuhay na muli. Dito ipinaliwanag Niya Mismo ang lahat ng isinalita ng kasulatan, at inihayag ang Kanyang Sarili sa buhay sa pamamagitan ng sagisag ng Kanyang kamatayan. Ang dalawang disipulo ay bumalik sa Herusalem. “ [Emphasis Added] (J.N. Darby, Synopsis of the Bible)

Sa kanyang aklat na pinamagatang: “The Lord’s Table Meeting: For Remembrance of the Lord and the Worship of the Father” (Ang Pagpupulong ng Hapag ng Panginoon: Para sa Pag-aalaala sa Panginoon at ang Pagsamba sa Ama), na binubuo ng 48 pahina ng mga balangkas mula sa mga tala at inilimbag na mga lathalain ni Kapatid Lee mula 1964 hanggang 1990 na isinulat upang mapataas ang ating pangitain at pagsasagawa ng pagpupulong ng hapag ng Panginoon, hindi iniugnay ni Kapatid Lee ang pagpupulong ng hapag ng Panginoon sa tinapay sa Lucas 24:30 at 35. Sa kabaligtaran, mula sa iba pang mensahe na hinalaw sa lathalaing ito, matatagpuan natin na tinukoy lamang ni Kapatid Lee ang mga ito bilang “nauupong kasama nila upang kumain”, “nang sila ay dumating, sila ay tumigil upang kumain”, at “ang Panginoon ay naupo upang kumaing kasama nila”, gaya rin ng ginawa ng ibang kilalang mga nagpapaliwanag ng Biblia.

Higit pa rito, ang pagsasabi ng manunulat na ang gayong pagkain na ibinahagi ng Panginoon sa dalawang disipulong patungong Emaus ay isang pagpupulong ng hapag ng Panginoon ay nagsulong pa ng maraming katanungan: Taglay ang intensyong maglakbay patungong Emaus, iniisip kaya nila na magkaroon ng pagpupulong ng pagpipira-piraso ng tinapay habang daan? Nagdala kaya ang dalawang disipulong patungong Emaus ng tinapay na walang lebadura para sa kanilang paglalakbay? Bakit pinira-piraso ng Panginoon ang tinapay at biglang naglaho bago pa kainin ng mga disipulo ang tinapay? Bakit walang talâ na ang dalawang disipulo ay bumahagi sa tinapay o ininom ang saro, kundi sa halip sinasabi sa atin ng Salita na agad silang bumalik sa Herusalem. Bakit walang pagkabanggit ng ukol sa isang saro sa bahaging ito ng Salita? Ang kapansin-pansing kawalan ng saro ang nagsasabi: Para sa Panginoon na magtatag ng pagpupulong ng hapag ng Panginoon nang walang saro ng bunga ng ubas ay magiging laban sa Kanyang Sariling pagtuturo at hindi naaayon sa kung ano ang isinasagawa na ng mga mananampalataya simula nang Kanyang itinatag ito nang kinagabihan ng pagkakanulo sa Kanya. Kaya, para sa isa na igiit ang pagtukoy sa pangyayaring ito na isang halimbawa ng bahay-bahay na pagpupulong ng hapag ng Panginoon na may dalawa o tatlong tao ay ginagawa itong isang eisegesis, ipinaliliwanag ang mga Kasulatan batay sa sariling mga ideya o pagkiling, sa halip na sa kahulugan ng teksto.

Magpiging tayong lahat sa mga kayamanan ng Salita ng Panginoon gaya nang pagkakapaliwanag at mayamang pagkatustos sa atin ng ministeryo ng kapanahunan. Sa halip na baluktutin ang salita sa mga Kasulatan, nawa ipreserba tayo ng Panginoon na tapat na sumunod sa pagtuturo at pagsasalamuha ng mga Apostol na nababatay sa Bagong Tipang ekonomiya ng Diyos, ang manatili rito, para sa ikasasakdal ng mga banal tungo sa gawain ng ministeryo, tungo sa pagtatayo ng Katawan ni Kristo (Efe. 4:12).

Mga Halaw mula sa Ministeryo

Ang maraming aralin na maaaring matutuhan mula sa Lucas 24:13-35 ay malinaw na inilahad sa atin sa ministeryo nina kapatid Nee at Lee:

Hinggil sa Pahayag

Ang Diyos ay Nasisiyahan sa Nabuhay na Muling Kristo

“Nang si Kristo ay nagbagong-anyo, “Narito, isang tinig mula sa ulap, na nagsasabi, Ito ang sinisinta Kong Anak, na Siya Kong kinalulugdan; pakinggan ninyo Siya!” (Mat. 17:5) Ang pagbabagong-anyo ay paunang sumasagisag sa pagkabuhay na muli. Ang pagbabago ng Kanyang anyo ay sumasagisag din sa Kanyang pagkaluwalhati. Tinanong Niya ang dalawa sa daan patungong Emaus. “Hindi ba kinakailangang si Kristo ay magdusa ng mga bagay na ito at pumasok tungo sa Kanyang kaluwalhatian?” (Luc. 24:26). Makikita natin mula sa bersikulong ito na ang pagpasok tungo sa Kanyang kaluwalhatian ay tulad din ng Kanyang pagiging nabuhay na muli. Ang Diyos ay nasisiyahan sa pagkabuhay na muli at pagkaluwalhati ng Kanyang Anak.” (W. Lee, Life Messages, Vol. 1 (# 1-41), Chapter 33, Section 3, LSM)

Si Salomon bilang isang Sagisag ni Kristo sa loob ng Pagkabuhay na Muli

“Iniisip ng ilang tao na ang pagluluwalhati kay Kristo ay magsisimula sa Kanyang ikalawang pagdating; gayunpaman, malinaw na inihahayag ng Biblia na pumasok si Kristo tungo sa kaluwalhatian matapos ang Kanyang kamatayan at pagkabuhay na muli. Sa Lucas 24:26 sinabi ng Panginoon sa dalawa sa Kanyang mga disipulo sa daan patungong Emaus, “Hindi ba kinakailangang si Kristo ay magdusa ng mga bagay na ito at pumasok tungo sa Kanyang kaluwalhatian?” Isinasaad nito na ang Panginoon ay pumasok tungo sa kaluwalhatian sa sandaling Siya ay nabuhay na muli. Sa prinsipyo, ang pagiging nasa mga kalangitan ni Kristo ngayon, ang Kanyang pagbabalik sa lupa sa hinaharap, at ang Kanyang pamumuhay sa loob natin at pagiging kasama natin ngayon ay pawang nasa kaluwalhatian. Si Salomon ay isang sagisag ni Kristo sa kaluwalhatian.” (W. Lee, Three Aspects of the Church: The Meaning of the Church, Book 1, Chapter 9, Section 1, LSM)

Si Kristo na Namumukadkad sa Pagkabuhay na Muli

“Nang ang Panginoong Hesus ay nanalangin na luwalhatiin Siya ng Ama, sa katunayan ay ipinanalangin Niya na Siya ay makapasok tungo sa kaluwalhatian sa pamamagitan ng kamatayan at pagkabuhay na muli. Sa Lucas 24:26 tinanong ng Panginoong Hesus ang dalawa sa Kanyang mga disipulo sa daan patungong Emaus: “Hindi ba kinakailangang si Kristo ay magdusa ng mga bagay na ito at pumasok tungo sa Kanyang kaluwalhatian?” Nang isinalita ng Panginoong Hesus ang mga salitang ito, Siya ay nasa pagkabuhay na muli na. Kaya, para sa Kanya na pumasok tungo sa Kanyang kaluwalhatian ay para sa Kanya na mapasa loob ng pagkabuhay na muli. Malinaw na inihahayag ng bersikulong ito na ang pagluluwalhati kay Kristo ay ang Kanyang pagkabuhay na muli. Ang pagkabuhay na muli ng Panginoon ay ang Kanyang pamumukadkad. Ang pamumukadkad ni Kristo, ang Kanyang pagkaluwalhati, ay tumutukoy sa Kanyang pagkabuhay na muli sa kapuspusan nito.” (W. Lee, Life-study of 2 Corinthians, Chapter 22, Section 1, LSM)

“Kailangan nating makita na ang kaluwalhatian ay si Kristo na namumukadkad sa pagkabuhay na muli. Nang ang Panginoong Hesus ay nasa lupa, Siya ay ang Diyos na nagkatawang-tao. Ang Diyos ay naikubli sa loob ng pisikal na katawan ng Panginoong Hesus. Sa panloob naroon ang Diyos; sa panlabas naroon ang laman, at sa lamang ito ay walang kaluwalhatian. Sa Juan 17:1 nanalangin ang Panginoong Hesus, “Ama, dumating na ang oras, luwalhatiin Mo ang Iyong Anak upang Ikaw ay luwalhatiin ng Anak.” Nang nanalangin ang Panginoong Hesus na luwalhatiin Siya ng Ama, sa katunayan ipinanalangin Niya na Siya ay papasok tungo sa kaluwalhatian sa pamamagitan ng kamatayan at pagkabuhay na muli. Sa Lucas 24:26 tinanong Niya ang dalawang disipulo sa daan patungong Emaus, “Hindi ba kinakailangang si Kristo ay magdusa ng mga bagay na ito at pumasok tungo sa Kanyang kaluwalhatian?” Nang isinalita ng Panginoong Hesus ang mga salitang ito, Siya ay nasa pagkabuhay na muli na. Kaya, para sa Kanya na pumasok tungo sa Kanyang kaluwalhatian ay para sa Kanya na mapasa loob ng pagkabuhay na muli. Malinaw na inihahayag ng bersikulong ito na ang pagkabuhay na muli ni Kristo ay ang Kanyang pagkaluwalhati.” (W. Lee, The Conclusion of the New Testament, (Msgs. 306-322), Chapter 11, Section 4, LSM)

Ang Pagkabuhay na Muli ni Kristo ay ang Kanyang Pagkaluwalhati

“Marami sa atin ang nag-iisip na ang Panginoon ay naluwalhati nang Siya ay iniakyat tungo sa mga kalangitan, subali’t ito ay hindi wasto. Kung babasahin natin ang Lucas 24:26, makikita natin na sa pamamagitan ng pagkabuhay na muli ang Panginoon ay naluwalhati. “Hindi ba kinakailangang si Kristo ay magdusa ng mga bagay na ito at pumasok tungo sa Kanyang kaluwalhatian?” Matapos ang Kanyang pagkabuhay na muli, nakatagpo Niya ang dalawang disipulo sa daan patungong Emaus at sinabi sa kanilang Siya ay pumasok na tungo sa Kanyang kaluwalhatian. Ang salitang ito ay sinabi bago ang Kanyang pag-akyat sa langit, subali’t matapos ang Kanyang pagkabuhay na muli. (W Lee, The All-inclusive Spirit of Christ, Chapter 1, Section 5, LSM)

“Kailan naluwalhati ang Panginoong Hesus? Siya ay pumasok tungo sa kaluwalhatian nang Siya ay nabuhay na muli. Ang tala sa Lucas 24 ay nagsasabi sa atin na pagkatapos ng Kanyang pagkabuhay na muli at bago ang Kanyang pag-akyat sa langit, nang makatagpo Niya ang dalawang disipulo sa daan patungong Emaus, sinabi ng Panginoon sa kanila, “Hindi ba kinakailangang si Kristo ay magdusa ng mga bagay na ito at pumasok tungo sa Kanyang kaluwalhatian?” (b. 26). Nagpapatunay ito na nang Siya ay nabuhay na muli, bagama’t hindi pa Siya umaakyat sa kalangitan, pumasok na Siya tungo sa Kanyang kaluwalhatian.” (W. Lee, One Body, One Spirit, and One New Man, Chapter 1, Section 2, LSM)

“Ang pagkabuhay na muli ni Kristo ay ang Kanya ring pagkaluwalhati. Ang pagkabuhay na muli ni Kristo ang nagdala sa Kanya tungo sa kaluwalhatian (Luc. 24:26; 1 Cor. 15:43a; Gawa 3:13a, 15a). Ang dibinong kalikasan ng Panginoon, ang Kanyang dibinong katauhan, ay naikubli at naikulong sa loob ng Kanyang laman. Sa pamamagitan ng kamatayan ang bilangguan ng Kanyang pagkatao, ang Kanyang laman, ay nabasag, at pagkatapos sa pagkabuhay na muli Siya ay napalaya bilang ang mismong Diyos kasama ang Kanyang kalikasan at mga kayamanan. Dahil Siya ay napalaya mula sa bilangguan ng Kanyang laman sa pagkabuhay na muli, Siya ay naluwalhati. Ito ang dahilan kung bakit sinabi ng Panginoon sa mga disipulo sa daan patungong Emaus na kinakailangan para kay Kristo na magdusa at pumasok tungo sa Kanyang kaluwalhatian (Luc. 24:26). Sa pamamagitan ng Kanyang pagkabuhay na muli na Siya ay nakapasok tungo sa kaluwalhatian.” (W. Lee, Life-study of Luke, Chapter 54, Section 2, LSM)

“Ang taong si Hesus ay naluwalhati sa pamamagitan ng Kanyang pagkabuhay na muli. Hindi lamang naluwalhati ang Anak ng Diyos sa pamamagitan ng pagiging napalaya mula sa loob ng balat ng pagkatao ng Panginoon, bagkus ang taong si Hesus ay naluwalhati rin. Siya ay naluwalhati nang ang Kanyang pagkatao ay nadala tungo sa pagka-Diyos. Aleluya, ngayon ay may tao na sa kaluwalhatian! Nang marinig ng ilan na ang taong si Hesus ay nasa kaluwalhatian na ngayon, maaaring maunawaan nila ito na nangangahulugang Siya ay nasa mga kalangitan. Gayunpaman, isinasaad ng Lucas 24:26 na Siya ay pumasok tungo sa kaluwalhatian maging bago pa ang Kanyang pag-akyat sa langit. Habang patungong Emaus, sinabi Niya sa mga disipulo, “Hindi ba kinakailangang si Kristo ay magdusa ng mga bagay na ito at pumasok tungo sa Kanyang kaluwalhatian?” Ito ay tumutukoy sa Kanyang pagkabuhay na muli, na nagdala sa Kanya sa loob ng kaluwalhatian (1 Cor. 15:43; Gawa 3:13a, 15a). Ang pagkabuhay na muli ng Taong Tagapagligtas ay ang Kanyang pagpasok sa loob ng kaluwalhatian. Samakatuwid, ang pagluluwalhati ay nangangahulugan na ang Anak ng Diyos ay hindi lamang napalaya mula sa Kanyang pantaong balat, bagkus gayundin ang pagkatao ng Panginoon ay nadala tungo sa pagka-Diyos.” (W. Lee, Life-Study of Luke, Chapter 71, Section 3, LSM)

Ang Pagkabuhay na Muli ay Hindi Nalilimitahan ng Lugar at Panahon

“Higit pa rito, ang pagkabuhay na muli ay hindi rin nalilimitahan ng lugar. Nakita ng dalawang disipulo sa daan patungong Emaus ang nabuhay na muling Panginoon, nguni’t nakita rin Siya ng mga disipulo sa Herusalem nang araw na iyon (Luc. 24:13-35). Nang nabuhay na muli ang Anak ng Diyos, nilampasan Niya ang heograpiya at panahon. Sa Kanyang pagkabuhay na muli walang gayong bagay tulad ng pagkakasunud-sunod ng panahon. Wala Siyang itinakdang panahon para sa Kanyang gawain. Hindi Niya kailangang maghintay ng tatlo o limang taon upang may mangyaring anuman. Ang bagay ng lugar at panahon ay hindi na umiiral. Ngayon ang lahat ng tao sa buong lupa ay maaaring mahipo Siya sa magkasabay na panahon.” (W. Nee, The Collected Works of Watchman Nee, (Set 3) Vol. 59: Miscellaneous Records of the Kuling Training (1), Chapter 11 Section 2, LSM)

Ukol sa Pagkaalam sa Biblia

Nararanasan ang Pagbubukas ng Panginoon ng Ating Kaisipan upang Maunawaan ang Biblia

“Gaya rin naman nang binuksan ng Taong-Tagapagligtas ang mga Kasulatan sa mga disipulong patungong Emaus, binuksan Niya ngayon ang Salita sa yaong mga nagkatipon sa isang silid. Binuksan din Niya ang kanilang mga kaisipan upang maunawaan ang mga Kasulatan: “At Kanyang sinabi sa kanila, Ito ang Aking mga salitang sinabi Ko sa inyo habang Ako ay kasama pa ninyo, na ang lahat ng mga bagay ay dapat matupad na nangasusulat sa Kautusan ni Moises at sa mga Propeta at sa mga Awit tungkol sa Akin. Nang magkagayon ay binuksan Niya ang kanilang kaisipan upang mapag-unawa ang mga Kasulatan” (bb. 44-45). Ang Kautusan ni Moises, ang mga Propeta, at ang mga Awit ay tatlong bahagi ng buong Lumang Tipan, yaon ay, ang buong Kasulatan (b. 27). Ang salita rito ng Tagapagligtas ay naghahayag na ang buong Lumang Tipan ay isang pahayag ukol sa Kanya at na Siya ang sentro at nilalaman nito. Ang katunayang binuksan Niya ang kaisipan ng mga disipulo ay nagpapahiwatig na upang maunawaan ang mga Kasulatan ang ating kaisipan ay kinakailangang mabuksan ng Panginoong Espiritu sa pamamagitan ng Kanyang pagliliwanag (Efe. 1:18).” (W. Lee, Life-Study of Luke, Chapter 55, Section 1, LSM)

Sinasampalatayanan at Tinatanggap ang Patotoo ng Biblia

“Ano ba ang mga salita ni Moises at ng mga propeta? Pagkatapos na mabuhay na muli ng Panginoong Hesus, lumalakad Siyang kasama ng dalawang disipulong patungong Emaus. “At magmula kay Moises at mula sa lahat ng mga Propeta, Kanyang ipinaliwanag sa kanila ang mga bagay na nauukol sa Kanyang Sarili sa lahat ng mga Kasulatan” (Luc. 24:27)….Ang mga salita nina Moises at ng mga propeta ay ang mga salitang isinalita ng Panginoong Hesus….Binigyan tayo ng Diyos ng Biblia. Yamang mapananampalatayanan natin ang mga salita ng mga Kasulatan, hindi Niya isusugo ang isang tao mula sa mga patay upang ipahayag ang ebanghelyo….Ngayon hindi gumagamit ang Diyos ng mga kagila-gilalas na paraan upang ihayag ang Kanyang Sarili. Nais Niya lamang na ang tao ay manampalataya sa Kanyang Salita….Sinasabi sa atin ng pahayag na ito na kung ang mga tao ay hindi mananampalataya sa mga salita ni Moises at ng mga propeta, magiging walang kabuluhan din kahit na ibangon ang isang tao mula sa mga patay. Samakatuwid, kapag hindi tinanggap ng mga tao ang patotoo ng Biblia, hindi sila mananampalataya kahit mayroon pang bumangon mula sa mga patay.” (W. Nee. The Collected Works of Watchman Nee, (Set 1) Vol. 20: Questions on the Gospel, Chapter 39, Section 1, LSM)

Nararanasan ang Espiritu Santo na Nagsasalita sa Atin ng mga Salita ng Biblia

“Ang Espiritu Santo ay dapat na muling magsalita sa ekklesia mula sa naisulat na salita. Ang Espiritu Santo ay hindi nagsasalita mula sa Sarili nito. Sa halip, isinasalita Niyang muli sa puso ng tao ang naisulat na salita….Dapat nating hayaan ang Espiritu Santo na isalita ang Kanyang salita sa pamamagitan ng naisulat na teksto….Ang pagbabasa ng Biblia ay para sa layuning matanggap ang pagsasalita ng Espiritu Santo. Kung paanong ipinaliwanag ng nabuhay na muling Tagapagligtas ang Kasulatan sa dalawang disipulong patungong Emaus at sinanhi ang kanilang mga puso na magningas sa loob nila, sa gayunding paraan ang Espiritu rin naman na isinugo ay binubuksan ang Biblia sa lahat ng mga mananampalataya, nililiwanagan ang salita at tinutusok ang mga puso ng mga mananampalataya sa pamamagitan nito. Kapag natanto natin ito, ihahanda natin ang ating mga sarili sa pamamagitan ng panalangin at pagmumuni-muni. Sa ganitong paraan, maisasalita ng Espiritu Santo sa atin ang mga salita ng Biblia.” (W. Nee. The Collected Works of Watchman Nee, (Set 1) Vol. 04: The Christian (2), Chapter 4, Section 11, LSM)

Ukol sa Karanasan sa Buhay

Nararanasan ang Panloob na Pagkakilala sa Panginoon

“Sa Lucas 24:13-31 nakatagpo ng Panginoong Hesus ang dalawang disipulo sa daan patungong Emaus, at Siya ay lumakad kasama nila. Habang sila ay naglalakbay, nagtanong ang Panginoon sa kanila ng mga katanungan at sila ay sumagot, o sila ang nagtanong at ang Panginoon ang sumagot. Ang pag-uusap ay hindi maikli, at ipinaliwanag ng Panginoon ang Kasulatan sa kanila. Nang sila ay malapit na sa Emaus, hinimok nila Siya na, nagsasabing, “Tumuloy Ka sa amin, sapagka’t gumagabi na at ang araw ay halos magtatapos na” (b. 29). Pumasok ang Panginoon at nanatiling kasama nila. Inanyayahan pa nila ang Panginoon sa kanilang pagkain. Sa panahon ng mahabang pag-uusap na ito, hindi nila nakilala ang Panginoong Hesus. Tangi lamang nang kinuha ng Panginoon ang tinapay, pinagpala ito, pinira-piraso ito, at ibinigay ito sa kanila na ang kanilang mga mata ay nabuksan. Pagkatapos ay kanilang nakilala ang Panginoon. Ipinakikita nito sa atin na kahit na ang isang tao ay kasama pang lumakad ng Panginoon, maaaring hindi pa rin niya makilala kung sino Siya. Kahit na siya ay makipag-usap pa sa Panginoon, maaaring maging wala pa rin siyang alam kung sino Siya.” (W. Nee. The Collected Works of Watchman Nee, (Set 3) Vol. 53: The Ministry of God’s Word, Chapter 9, Section 3, LSM)

“Pagkatapos ng pagkabuhay na muli ng Panginoon, dalawa sa mga disipulo ay nagtungo sa Emaus. Habang daan pinag-usapan nila ang hinggil sa lahat ng bagay na nangyari, yaon ay, tungkol sa mga bagay hinggil sa Panginoong Hesus na isinalaysay ni Maria. Sa sandaling iyon, lumapit ang Panginoong Hesus Mismo sa kanila….Nakipag-usap ang Panginoon sa kanila, nagturo sa kanila, at malinaw na ipinaliwanag sa kanila sa buong Kasulatan ang mga bagay hinggil sa Kanyang Sarili, magmula kay Moises at mula sa lahat ng propeta. Nguni’t hindi pa rin nila Siya nakilala. Bagama’t kanilang naunawaan ang mga pagtuturo ng mga Kasulatan at nahipo at nagniningas pa sa kanilang mga puso, hindi pa rin nila nakilala ang Panginoong Hesus. Nagpapakita ito sa atin na ang mga doktrina at pahayag ay dalawang magkaibang bagay. Naunawaan nila ang mga Kasulatan, nguni’t hindi nila nakilala ang Panginoon. Nalaman nila ang mga pagtuturo ukol kay Kristo, nguni’t hindi nila nakilala si Kristo.

Nang maggagabi na at sila ay malapit nang makarating sa Emaus, hinimok nila Siya na manatili sa kanila. Habang sila ay nakadulang, kinuha ni Hesus ang tinapay at ibinigay ito sa kanila. Pagkatapos ang kanilang mga mata ay nabuksan, at nakilala nila Siya. Nagpapakita ito sa atin nang malinaw na may dalawang uri ng pagkakilala sa Panginoon. Ang isang uri ng pagkakilala ay mula sa Biblia, samantalang ang isa pang uri ng pagkakilala ay dumarating kapag binuksan ng Panginoon ang mga mata ng mga tao….Dapat nating tandaan na walang kabuluhan ang taglayin ang kaalaman sa Biblia nang hindi naman nakikilala ang Panginoon. Nalaman na ng dalawang disipulong patungong Emaus ang mga Kasulatan, at habang ang Panginoon ay nakikipag-usap sa kanila at ipinaliliwanag ang mga Kasulatan sa kanila sa daan, ang kanilang mga puso ay nagniningas. Nguni’t hindi pa rin nila nakilala ang Panginoon. Ang tanging tunay na pagkakilala sa Panginoon ay panloob na pagkakilala. Mayroon ba kayong gayong isang panloob na pagkakilala sa Panginoon?” (W. Nee. The Collected Works of Watchman Nee, (Set 2) Vol. 37: General Messages 1, Chapter 2, Section 2, LSM)

Nararanasan ang Presensya ng Panginoon sa isang Tahimik, Normal, at Ordinaryong Paraan

“Nagbibigay sa atin ang Lucas 24:13-35 ng isang tala ukol sa dalawang disipulo na, matapos mabuhay na muli ang Panginoon, ay nilisan ang Herusalem upang magtungo sa Emaus. Dumating ang Panginoon sa kanila sa isang tahimik, normal, at maging sa natatagong paraan, isang paraang lubhang ordinaryo. Siya si Kristo, nguni’t hindi Siya nakilala ng dalawang disipulo. Tila ba na Siya ay nagkunwaring hindi si Kristo at nagtanong sa kanila kung ano ang kanilang pinag-uusapan….Nakipag-usap Siya sa kanila, lumakad kasama nila, at nanatiling kasama nila nang hindi sinasabi sa kanila na Siya ang kanilang pinag-uusapan. Pagkatapos sa isang tiyak na panahon natanto ng dalawang disipulo na Siya ay ang Panginoon. Sa puntong yaon Siya ay naglaho mula sa kanila. Madalas gayon din sa ating karanasan kay Kristo. Kapag hindi natin natantong Siya na Mismo iyon, nadarama natin ang Kanyang presensya sa atin, nguni’t kapag malinaw tayo ukol sa ating karanasan, ang kamalayan ukol sa Kanyang presensya ay nawawala….Ang Panginoong Hesus ay nananahan sa loob natin ngayon bilang buhay sa isang gayong natatago, normal na paraan, na walang anumang ekstraordinaryo o espesyal….Ang Hesu-Kristong nananahan sa atin ngayon ay Siya rin yaong lumakad kasama ng dalawang disipulo sa daang patungong Emaus. Siya ay nasa loob natin sa isang tahimik, normal, at ordinaryong paraan. Kaya, hindi dapat tayong umasa ng isang bagay na espesyal mula sa Kanya. Araw-araw at sa bawa’t sandali dapat tayong matutong makilala at maranasan ang kamangha-mangha, malalim, at kagila-gilalas na Tagapagligtas na ito.” (W. Lee, The Relationship of God with Man in God’s New Creation, Chapter 10, Section 1, LSM)

“Kakatwa at kawili-wiling makita na kapag wala tayong kamalayan ng Kanyang presensya, Siya ay higit na kasama natin. Nang yaong dalawang minamahal nguni’t kaawa-awang kapatid na lalake sa kanilang pagpuntang Emaus ay nakikipag-usap sa Kanya at sinasaway pa nga Siya — “Ikaw ay naninirahan sa Herusalem, hindi mo ba nalalaman ang nangyayari roon?” — Siya ay lubusang kasama nila. Nguni’t nang sandaling nabuksan ang kanilang mga mata at natantong iyon ay ang Panginoon, Siya ay naglaho. Akala ba ninyo ay iniwan Niya sila? Hindi, Siya ay naglaho na lamang upang sanayin sila, upang tulungan silang matanto hindi lamang ang Kanyang nakikitang presensya, bagkus lalong higit ang Kanyang di-nakikitang presensya. Ang Kanyang nakikitang presensya ay hindi kasing halaga ng Kanyang di-nakikitang presensya. Kapag lubha mong namamalayan minsan ang presensya ng Panginoon, hindi ito kasing inam ng kapag wala kang kamalayan ng Kanyang presensya. Nauunawaan ba ninyo ako? Maraming beses wala tayong kamalayan sa Kanyang presensya; nguni’t iyon ang pinakakahanga-hangang panahon.” (W. Lee, How to Meet, Chapter 6, Section 1, LSM)

Nararanasan ang Pagsasanay ng Panginoon upang Mamuhay sa Pamamagitan ng Pananampalataya sa Kanyang Di-Nakikitang Presensya

“Mula sa panahong iyon — nang kinagabihan ng araw ng pagkabuhay na muli ng Panginoon — ginabayan ng Panginoon ang Kanyang mga disipulo na malaman at pahalagahan ang Kanyang presensya sa loob nila. Sa nakalipas dumating Siya sa gitna nila sa Kanyang laman upang makasama nila sa panlabas. Ngayon nais Niyang pumasok sa kanila bilang ang Espiritu upang makasama nila sa panloob. Sa nakaraan ang Kanyang presensya sa kanila sa ilang tiyak na pagkakataon, ay nalimitahan ng lugar at panahon, at nakikita. Ngayon ang Kanyang presensya sa kanila ay magiging sa bawa’t sandali, hindi malilimitahan ng panahon o ng lugar, at magiging di-nakikita. Samakatuwid, simula nang kinagabihan ng araw ng Kanyang pagkabuhay na muli, sa tuwing Siya ay darating sa kalagitnaan nila ito ay nakapagpapaisip sa kanila. Ang mga pintuan ng silid kung saan sila ay nasa loob ay nakapinid lahat, nguni’t kapagdaka Siya ay dumating at tumayo sa gitna nila. Pagkatapos umalis Siya na hindi nila nalalaman kung paano ito nangyari. Tila ba na ang Kanyang pagdating at pag-alis ay di-nalalaman. Laging ganito sa lahat ng Kanyang pakikitungo sa kanila sa loob ng apatnapung araw matapos ang Kanyang pagkabuhay na muli. Minsan sa daan patungong Emaus, lumapit Siya sa dalawang disipulo sa isang mahiwagang paraan at lumakad kasama nila nang may kalayuan, nguni’t hindi nila Siya nakilala. Ito ay gayon hanggang sa pumasok sila sa nayon, pumasok sa isang bahay, at dumulang kasama Niya na nakilala nila Siya. Nguni’t nang kanilang makilala Siya, agad Siyang naglahong muli. Tila ba na Siya ay biglang dumating at biglang umalis. Sa katunayan, ay hindi gayon; sa halip, ito ay yaong ang Kanyang presensya sa kanila minsan ay nakikita at minsan ay natatago. Pinakitunguhan Niya sila sa ganitong paraan upang ipaalam sa kanila na ang Kanyang presensya sa kanila ngayon ay naiiba kaysa dati. Ang Kanyang intensyon ay ang gabayan silang malaman na Siya ay kasama nila sa panloob bilang ang Espiritu. Nais din Niyang sanayin sila na panloob na tamasahin ang Kanyang palagiang presensya, na hindi nalilimitahan ng panahon at lugar, at magkagayon ay natututong makitungo sa Kanya at kaugnayin Siya sa panloob hindi sa pamamagitan ng paningin kundi sa pamamagitan ng pananampalataya.” (W. Lee, The Spirit and the Service in the Spirit, Chapter 2, Section 5, LSM)

“Magmula sa araw na iyon, hindi lamang Siya nasa gitna ng Kanyang mga disipulo bagkus ay nasa loob din nila upang sanayin silang makasanayan ang Kanyang di-nakikitang presensya. Sa loob ng tatlo’t kalahating taon ng Kanyang panlupang ministeryo, sina Pedro, Juan, Santiago, at iba pang mga disipulo ay nasanay sa Kanyang nakikitang presensya, nguni’t pagkatapos ang Kanyang presensya ay naging di-nakikita. Hindi sanay ang mga disipulo sa di-nakikitang presensyang ito kaya sinanay sila ng Panginoon sa loob ng apatnapung araw. Sa apatnapung araw na ito, nagpakita Siya sa kanila nang hindi inaasahan na hindi nila natatanto (Juan 21:4; Luc. 24:15-16). Nang ang dalawang disipulo sa daan patungong Emaus ay natantong si Hesus ang kasama nila, Siya ay naglaho mula sa kanila (Luc. 24:31). Maraming pagkakataon maaaring wala tayong gaanong pagkatanto na si Hesus na Panginoon ang kasama natin. Gayunpaman, maraming banal ang nakaranas ng pagpapakita ng Panginoon sa kanila kapag sila ay nagpupunta sa kung saan o gumagawa ng isang bagay laban sa Kanyang naisin….Nagpapakita Siya sa atin sa maraming pagkakataon nang sa gayon ay malimitahan tayo at maliwanagan tayo upang panatilihin tayo sa daang patungo sa buhay.” (W. Lee, God’s New Testament Economy, Chapter 1, Section 3, LSM)

“Ang di-nakikitang presensya ng naprosesong Tres-unong Diyos ay nasa loob na nila ngayon. Kailangan nilang masanay upang makaugalian ang presensyang ito, upang mamuhay at gumawi sa buhay na ito, at upang maging mga taong nasa buhay na ito. Sinasanay sila ng Panginoon upang maging mga dibinong persona sa lupang ito. Ito ay kahanga-hanga! Nilikha ng Panginoon ang buong sansinukob sa loob ng anim na araw, nguni’t gumugol Siya ng apatnapung araw upang sanayin ang Kanyang mga disipulo. Ang pagsasanay ng mga disipulo ay higit na malaking gawain kaysa sa paglikha sa sansinukob. Nagpakita Siya sa dalawang disipulo sa daan patungong Emaus (Luc. 24:13-35), nagpakita Siya sa mga disipulo nang dalawang ulit sa isang saradong silid (Juan 20:19, 26), at nagpakita rin Siya sa mga disipulo sa dagat Tiberias (Juan 21:1). Ang Kanyang pagpapakita at paglaho ang nagsanay sa Kanyang mga disipulo na malaman ang Kanyang di-nakikitang presensya.” (W. Lee, God’s New Testament Economy, Chapter 7, Section 1, LSM)

Nararanasan ang Diyos na Ikinukubli ang Kanyang Sarili

“Ibig kong basahin ang Lucas 24. Iniisip ko: Anong kawalang-kabuluhan ang pinag-uusapan ng dalawang disipulong iyon sa daan patungong Emaus! (Subali’t minsan natutuklasan ko na ako mismo ay isa sa dalawa!) Habang ang mga may malungkot na mukhang disipulo ay lumalakad sa daan, na nagdadalamhating nag-uusap hinggil sa kamatayan ng kanilang Panginoon, biglang may Isang sumama sa kanila at nagtanong kung ano ang kanilang pinag-uusapan….Hanggang sa puntong ito ang dalawa ay hindi pa naliliwanagan; nguni’t sila ay malamang na nakintalan ng Estrangherong iyon, sapagka’t nang marating nila ang nayon at si Hesus “ay kumilos na waring Siya ay magpapatuloy…Siya ay kanilang hinimok” upang manatiling kasama nila. At nang kanilang inanyayahan Siyang kumain, kapagdaka Niyang inako ang pagiging maybisita (host), “kinuha ang tinapay at pinagpala ito, at pagkatapos pagpira-pirasuhin, ibinigay Niya ito sa kanila.” Sa puntong iyon, “nangabuksan ang kanilang mga mata, at Siya ay nakilala nila.” At narito ang isang kamangha-manghang bagay: Nang hindi sila makakita, nakikinig Siya; nang nagsalita sila ng walang kabuluhan, makapag-iiba Siya ng Kanyang daan at makasasama sa kanila sa mahabang panahon; nguni’t sa sandaling mabuksan ang kanilang mga mata, “Siya ay naglaho mula sa kanila.” Yaon ang Kanyang disposisyon!” (W. Lee, A God Who Hides Himself, Chapter 1, Section 5, LSM)

“Pagkatapos Niyang pumasok sa loob ng pagkabuhay na muli, Siya ay nasa gitna pa rin ng mga disipulo at nanatili sa lupa sa loob ng apatnapung araw at gabi. Sa loob ng apatnapung araw at gabing ito Siya ay nasa loob nila at kumilos kasama nila, nguni’t hindi nila ito natanto. Sa panahong iyon ang presensya ng Panginoon sa mga disipulo minsan ay nakikita at minsan ay di-nakikita. Minsan ito ay nahahayag at minsan ito ay nakukubli. Kapag Siya ay nahayag, nadama ng mga disipulo na Siya ay dumating na. Kapag ikinubli Niya ang Kanyang Sarili, sinabi ng mga disipulo na Siya ay nawala. Sa katunayan, Siya ay hindi dumating ni nawala. Siya ay naroroon lamang, hinahayaan silang makita Siya sa isang pagkakataon at ikinukubli ang Kanyang Sarili sa iba pang pagkakataon. Nang ang dalawang malungkot na disipulo ay nag-uusap sa kanilang pagtungong Emaus, ang Panginoong Hesus ay sumama sa kanila at sinamahan sila, na tinatanong sila kung ano ang kanilang pinag-uusapan….Nagsimula silang mag-usap at natamasa ito nang labis. Gayunpaman, hindi nakilala ng dalawang disipulong ito na ang personang ito ay ang Panginoong Hesus (Luc. 24:13-27).” (W. Lee, Bearing Remaining Fruit, Vol. 2, Chapter 4, Section 2, LSM)

Nararanasan si Kristo bilang Ating Pastol na Pumapatnubay sa Atin at Gumagabay sa Atin

“Bilang ating Pastol, pinapatnubayan muna tayo ng Panginoon at pagkatapos ay ginagabayan tayo. Pinapatnubayan Niya tayo sa tamang lugar, at ginagabayan tayo sa eksaktong lugar. Ito si Kristo, ang ating Pastol….Para kay Kristo na maging ating Pastol, Siya ay dapat na mapasa atin, maging nasa loob natin. Maraming pagkakataon sumasama Siya sa atin upang pabalikin tayo. Isaalang-alang ninyo kung paanong ang Panginoon ay ang Pastol sa dalawang disipulong patungong Emaus. Ang mga disipulong ito ay patungo sa isang direksyon, nguni’t ang Panginoon ay sumama sa kanila upang ibaling sila para magtungo sa ibang direksyon….Matapos na lumakad kasama nila sa maikling panahon, hinimok nila ang Panginoon na manatili sa kanila (b. 29). Pagkatapos, nang kinuha Niya ang tinapay, pinagpala ito, pinira-piraso ito, “nangabuksan ang kanilang mga mata, at Siya ay nakilala nila” (bb. 30-31). Ito ay isang halimbawa ng pagpapastol ng Panginoon.

Minsan pinapastol tayo ng Panginoon sa parehong paraan na Kanyang pinastol ang mga disipulo sa daan patungong Emaus. Maaaring makipag-usap din tayo sa Kanya sa isang walang kabuluhang paraan o tinatanong Siya ng mga walang kabuluhang katanungan. Maaari pa ngang sawayin natin Siya, at maaaring magkunwari Siyang hindi nalalaman kung ano ang ating pinag-uusapan. Marami sa atin ang makapagpapatotoo na pinastol tayo ng Panginoong Hesus sa ganitong paraan. Bilang ang Espiritung nagbibigay-buhay na nananahan sa loob natin, Siya ay ang Pastol sa atin sa ating karanasan.” (W. Lee, Life-Study of 1 Peter, Chapter 21, Section 3, LSM)

Nararanasan ang Pagiging Hindi Naihiwalay mula sa Diyos

“…Sa Lumang Tipang kapanahunan sinadyang hindi iugpong ng Diyos ang Kanyang Sarili sa tao; ang Diyos ay Diyos at ang tao ay tao. Nguni’t ngayon hindi natin masasabi na ang Diyos at tao ay magkahiwalay, dahil tayo ay naisilang na muli ng Diyos. Samakatuwid, imposible para sa atin na maihiwalay mula sa Diyos. Kahit na tayo ay tumutungong paibaba sa ating buhay-Kristiyano, sumasama Siya sa atin. Sa Lucas 24, matapos ang pagkabuhay na muli ng Panginoon, naglakbay ang Panginoon kasama ng dalawa sa Kanyang mga disipulo habang sila ay paalis ng Herusalem patungong Emaus (bb. 13-35). Sila ay pababa, gayunpaman ang Panginoon ay sumama sa kanila at lumakad kasama nila. Nag-usap ang dalawang disipulo tungkol sa Panginoon at sinaway pa ang Panginoon (b. 18), subali’t ang Panginoon ay nagkunwaring walang anumang nalalaman. Ang kanilang mga mata ay nanatiling hindi nakikilala Siya (b. 16). Sa kalaunan, gayunpaman, binuksan Niya ang kanilang mga mata at Siya ay nakilala nila (b. 31). Sa sandaling kanilang nakilala Siya, Siya ay naglaho mula sa kanila. Ito ay nagpapakita na hindi tayo kailanman maihihiwalay mula sa Panginoon.” (W. Lee, The Central Line of the Divine Revelation, Chapter 21, Section 1, LSM)

Nararanasan ang Paglakad Kasama ng Diyos

“Maaari bang sabihin ninyo sa akin, ang Diyos ba ay lumalakad kasama ninyo, o kayo ba ay lumalakad kasama ng Diyos? Ang Diyos ba ay lumalakad kasama ni Enoc o si Enoc ay lumalakad kasama ng Diyos? Hindi sinasabi ng Biblia na ang Diyos ay lumakad kasama ni Enoc; sinasabi nito na si Enoc ay lumakad kasama ng Diyos. Mahirap makakita ng bahagi sa Biblia na nagsasabi sa atin na ang Diyos ay lumakad kasama ng mga tao. Makikita natin ang isang pangyayaring gayon sa Lucas 24. Sa araw ng pagkabuhay na muli ang Panginoong Hesus ay lumakad kasama ng dalawang disipulo na nilisan ang Herusalem patungong Emaus. Ang dalawang disipulo ay hindi lumakad kasama ng Panginoong Hesus; ang Panginoong Hesus ang lumakad kasama nila. Sa tuwing lumalakad ang Panginoon kasama mo, nangangahulugan itong ikaw ay pababa. Ikaw ay bumababa mula sa Herusalem patungong Emaus. Gayunpaman, kapag ikaw ay lumakad kasama ng Panginoon, ikaw ay paitaas, bumabalik sa Herusalem mula sa Emaus. Ikaw ba ay lumalakad kasama ng Panginoon o Siya ay lumalakad kasama mo? Sa madaling salita, ikaw ba ay tumutungong paibaba o paitaas? Kung ikaw ay pababang patungo sa sinehan, halimbawa, ang Panginoong Hesus ay lalakad doon na kasama mo. Maraming beses ang Panginoong Hesus ay lumakad pababa kasama ng mga banal sa gayong paraan. Maraming banal ang nagsabi sa Panginoon, “Panginoon, hindi ko kayang manatiling kasama Mo? Nais kong magtungo sa sinehan.” Pagkatapos ang Panginoon ay nagsabing, “Pupunta ka ba sa sinehan? Pupunta ako roon kasama mo; lalakad Akong pababa kasama mo. Bakit Ako lalakad kasama mo roon? Dahil dadalhin kita pabalik. Hindi ka dapat magtungong pababa sa Emaus. Ang Aking intensyon ay yaong kayong lahat ay manatili sa Herusalem. Dahil ikaw ay pababa, kailangan Kong sumama sa iyo. Kailangan Kong lumakad kasama mo upang ibalik ka.” (W. Lee, Life-Study of Genesis, Chapter 26, Section 3, LSM)

Nararanasan na Isinasama Natin ang Panginoon Kahit na Lumilisan Tayo

“Sa 24:13-35 mayroon tayong isang tala ng pagpapakita ng Taong-Tagapagligtas sa dalawang disipulo….Ang dalawang disipulong ito ay lubusang napanghinaan ng loob, lubusang nabigo. Dahil sila ay pinanghinaan ng loob, hindi sila nanatili sa Herusalem. Sa halip, nilisan nila ang Herusalem patungong Emaus….Payak na sinasabi sa atin ng bersikulo 15 na si Hesus ay lumapit at nagtungong kasama ng dalawang disipulo. Hindi tayo sinabihan kung saan Siya nagmula. Matapos pumasok ng Taong-Tagapagligtas sa loob ng pagkabuhay na muli, Siya ay naging nasaan mang dako. Yamang Siya ay nasa lahat ng dako, hindi tayo makalalayo mula sa Kanya. Nang ang mga disipulo ay nasa Herusalem, Siya ay kasama nila. Nang nilisan nila ang Herusalem patungong Emaus, Siya ay lumakad kasama nila. Isang katunayan na ang nabuhay na muling Kristo ay kasama natin saan man tayo naroon. Kung tayo ay lalakad sa pababang direksyon, isinasama natin Siya. Sa Lucas 24 isinama ng dalawang disipulo ang Panginoon sa daan mula sa Herusalem patungong Emaus.” (W. Lee, Life-Study of Luke, Chapter 54, Section 3, LSM)

Nararanasan ang Diyos na Naihahalo sa Tao

“Nang kinagabihan ng pagkabuhay na muli ng Panginoong Hesus, dumating Siya tungo sa kalagitnaan ng mga disipulo at inihinga ang Kanyang Sarili tungo sa kanila, na sinasabing, “Tanggapin ninyo ang Espiritu Santo” (20:22). Ito ay lubhang napakadakilang bagay. Magmula nang panahong iyon, nanahan ang Panginoong Hesus sa Kanyang mga disipulo. Siya ay hindi nalimitahan ng panahon at lugar; halimbawa, ang Panginoon ay nakapasok tungo sa kalagitnaan ng mga disipulo kahit na ang mga pintuan ay nakapinid (b. 19), at matapos Niyang makipag-usap sa dalawang disipulong patungong Emaus at dumulang kasama nila, Siya ay biglang naglaho mula sa kanila (Lucas 24:30-31). Kaya, dapat nating makita na simula nang araw ng pagkabuhay na muli ng Panginoon, ang Kanyang presensya sa mga disipulo ay sumulong mula sa pagiging panlabas lamang tungo sa pagiging panloob, mula sa pagiging nakikita tungo sa pagiging di-nakikita, at mula sa pagiging nalilimitahan ng panahon at lugar tungo sa pagiging nasa labas ng panahon at lugar.” (W. Lee. Spiritual Reality, Chapter 11, Section 2, LSM)

Nararanasan ang Pagtutubos ng Ating Panahon upang Mapuspusan ng Espiritu

“Sinasabi ng bersikulo 11: “At pagkatapos ay nagsirating din ang mga natitira pang birhen, na nagsasabi, Panginoon, panginoon, pagbuksan mo kami!” Sa bersikulo 11 mayroon tayong pagsusumamo ng mga mangmang na birhen. Sa panahong ito nakabili na sila ng langis. Ang limang matatalino at limang mangmang ay mga birheng lahat; silang lahat ay mayroong ilawan, langis, at ilaw. Silang lahat ay umalis upang katagpuin ang kasintahang lalake. Lahat sila ay natulog, narinig ang pagsigaw, at bumangon. Inayos nilang lahat ang kanilang mga ilawan, at sa panahong ito ang lahat ay mayroong langis sa kanilang mga sisidlan. Ang tanging kaibahan ay ang panahon; ang ilan ay mas mabilis kaysa sa iba sa pagkilatis sa panahon. Sa daan patungong Emaus sinaway ng Panginoon ang dalawang disipulo na nagsasabing, “Mga haling at makukupad ang mga pusong magsisampalataya sa lahat ng sinasabi ng mga propeta!” (Luc. 24:25). Sa gayunding paraan, sinaway ng Panginoon si Tomas sa Juan 20:29. Ang katanungan ukol sa panahon ay mahalaga….Hindi tinutubos ng mga mangmang ang panahon, nguni’t tinutubos ng matatalino ang panahon. Sila ay ang mga yaong puspos ng Espiritu Santo (Efe. 5:17-18). Mga kapatid, yamang kailangan naman nating mapuspusan ng Espiritu Santo, bakit hindi pa ngayon? Bakit pipiliin pang maghintay hanggang sa mangyari ang pagraptyur?...Sa sandaling tayo ay mahinog, tayo ay mararaptyur. Kaya, sa isang pakahulugan, ipinapasya natin ang panahon ng ating pagraptyur. Ipinapasya natin sa ating mga sarili kung tayo ba ay magiging matalino o mangmang.” (W. Lee, The Collected Works of Watchman Nee, (Set 1) Vol 15: Study on Matthew, Chapter 27, Section 5, LSM)

Hinggil sa Pagpupulong

Nakikipagpulong sa Panginoon sa Loob ng Pagkabuhay na Muli

“Pagkatapos nang kinagabihan ng parehong araw, ang mga disipulo ay nasa sukdulang di-maayos na kalagayan. Nakita ng ilan gaya ni Maria ang Panginoon matapos ang Kanyang pagkabuhay na muli at dinala ang balita sa iba. Nakita ng ilan ang Panginoon nang araw na iyon sa daang patungong Emaus. Sila ay nagtipon na hindi nalalaman kung saan babaling o kung ano ang susunod na aasahan. Agad-agad ang Panginoong Hesus ay naroon. Ang lahat ng pintuan ay nakapinid, nguni’t si Hesus ay biglang nagpakita. Walang anumang pormal, walang anumang relihiyoso, walang anumang naisaayos, walang anumang naitakda. Payak lamang na sinasabi nito na dumating si Hesus at tumayo sa gitna at sinabi sa kanila, “Ang kapayapaan ay sumainyo.”…Pagkatapos masabi ito, gumawa Siya ng isang napakamangmang na bagay ayon sa ating natural na kaisipan. Huminga Siya sa kanila. Huminga si Hesus tungo sa Kanyang mga disipulo at sinabi sa kanila, “Tanggapin ninyo ang Espiritu Santo [o maaari nating sabihin, ayon sa Griyego, ang Banal na Hininga]” (Juan 20:22)….Tiyak na walang anumang relihiyosong bagay dito. At walang tala na si Hesus ay umalis. Sinasabi lamang ng tala na si Hesus ay pumasok nang ang mga pinto ay nakapinid; hindi nito binanggit ang Kanyang pag-alis.” (W. Lee, Christ versus Religion, Chapter 9, Section 3, LSM)

Nagpupulong upang Ipatotoo ang Ating mga Personal na Karanasan kay Kristo

“Basahin ninyo ang mga huling kapitulo ng apat na Ebanghelyo. Napakarami sa mga disipulo ang nagkaroon ng ilang personal na karanasan kay Kristo….Nang kinaumagahan ng araw ng pagkabuhay na muli nakatanggap si Maria ng isang karanasan kay Kristo (Juan 20:11-18). Ang dalawang disipulong lumakad patungong Emaus ay nakatanggap din ng isang mahalaga, personal na karanasan sa Kanya. Sila ay maalab para kay Kristo, at si Kristo ay biglang dumating at sumama sa kanila. Hindi nila nalamang iyon ang Panginoon, subali’t nang kalaunan nang hinimok nila Siya na manatili sa kanila, nabuksan ang kanilang mga mata at kanilang nakilala Siya. Pagkatapos Siya ay naglaho mula sa kanilang paningin. Kaagad-agad pinagpasyahan nilang bumalik sa Herusalem, at pagdating doon, naabutan nilang may nagpupulong. Sa pagpupulong sinabihan sila kung paanong ang Panginoon ay nabuhay na muli at nagpakita kay Simon, at tila ba sinabi nila, “Amen, nakita rin namin Siya.” Pagkatapos, si Hesus Mismo ay biglang nagpakitang muli (Luc. 24:1-36).

Maraming beses nagkaroon din ako ng parehong karanasan gaya nang sa dalawang kapatid na lalakeng yaong patungong Emaus. Maraming beses kapag binubuksan ko ang Biblia, tila ba na hindi ko makita si Hesus sa Salita; nguni’t makalipas ang ilang panahon, lubhang kahanga-hanga, si Hesus ay nagpakita. Ang aking puso ay nag-uumapaw at nagniningas sa loob ko; pagkatapos bigla-bigla, tila bang Siya ay naglaho, at ako ay labis na pinanghinaan ng loob. Nagkaroon na ba kayo ng ganitong uri ng karanasan? Pagkatapos nadama kong kailangan kong magtungo sa pagpupulong at sabihin sa mga kapatid kung anong kahanga-hanga, personal na pakikipag-ugnayan ang mayroon ako kay Hesus nang araw na iyon at kung paanong Siya ay tila naglaho. Nang ako ay makarating sa pagpupulong at habang ako ay nagbibigay ng gayong patotoo, naroon si Hesus! Madalas ganito ang nangyayari. Tunay na kailangan natin ang personal, matamis na mga karanasan sa nabuhay na muling Kristo sa ating pang-araw-araw na paglakad.” (W. Lee, How to Meet, Chapter 3, Section 3, LSM)

Nagpupulong sa Pamamagitan ng Pagtatatwa ng Ating Sarili at Pag-eensayo ng Ating Espiritu

“Sa kamakailan lamang na pagpupulong ng panalangin galak na galak akong hindi kami nagsimula sa isang himno. Nagsimula lamang kaming manalangin. Minsan ang hindi paggamit ng anumang himno ay magdadala sa atin sa pinakamataas na kalangitan. Kalaunan tumawag ng ilang himno, nguni’t ang mga ito ay paggambala sa pagpupulong. Sa panahong iyon ako mismo ay pumili ng isang himno upang tulungan lamang kaming makabalik. Minsan kailangan nating sumunod sa maling direksyon upang dalhin ang mga tao pabalik sa tamang daan. Ito ang ginawa ng Panginoon sa dalawang disipulong yaon sa daan patungong Emaus. Gayunpaman, dapat sana ay nanalangin na lamang tayo, marahil maging hanggang hatinggabi. Gaanong mapanggapos ang tradisyunal na kaalaman. Kung nasaan ang Espiritu ng Panginoon, naroon ang kalayaan, pagkakalag, at pagpapalaya (2 Cor. 3:17).” (W. Lee, Dealing with Our Inward Parts for the Growth in Life, Chapter 9, Section 3, LSM)

Hinggil sa Paglilingkod

Pagiging Interesado sa mga Kabataan

“Ito ang ginawa ng Panginoong Hesus nang araw na yaon sa daan patungong Emaus. Tinanong ng Panginoon ang dalawang disipulo, na nagsasabi, “Ano itong mga salitang pinagpapalitan ninyo sa isa’t isa habang kayo ay lumalakad?” (Luc. 24:17). Ang isa sa kanila ay sumagot, “Ikaw ba ay isang dayuhang nag-iisang naninirahan sa Herusalem at hindi nakaaalam ng mga bagay na nangyari roon sa mga araw na ito?” (b. 18). Mangyari pa, ang Panginoong Hesus ay napakalinaw, subali’t tinanong pa rin Niya sila, “Anong mga bagay?” (b. 19). Nagsalita sila ng maraming bagay, at ang Panginoong Hesus ay nakinig lamang nang may pagtitiis sa kanila. Sila ay naglalakad pababa, at ang Panginoong Hesus ay lumakad lamang kasama nila. Sa katapusan, gayunpaman, binuksan ng Panginoon ang kanilang mga mata, at sila ay bumaling. Mga kapatid, naniniwala akong nalalaman ninyong lahat kung ano ang aking ibig sabihin sa mga salitang ito. Nais ba ninyong tulungan ang mga kabataan? Kung gayon, una sa lahat dapat kayong maging interesado sa kanila. Huwag muna kayong mag-alala sa kanilang mga pagkakamali; huwag ninyo silang kondenahin. Dapat ninyo silang bigyan ng isang damdaming kayo ay kanilang mabuting kaibigan, na kayo ay nakikisimpatiya sa kanila, at na kayo ay interesado sa kanila at sa kanilang mga ginagawa. Ito ang pangunahing punto.” (W. Lee, How to Lead the Young People, Chapter 1, Section 4, LSM)

Hindi Humihiling sa Iba o Hinahatulan ang Iba sa Panlabas, kundi Nakikilala Sila ayon sa Kanilang Mas Malalim na Kalagayan

“Madalas nating inaasahan ang iba na magbago ayon sa ating konsepto at pamantayan. Sa halip, dapat natin silang laging samahan; pagkatapos walang magiging mga suliranin….Sa araw ng pagkabuhay na muli dalawang disipulo ang tumungong pababa ng Emaus. Nang sinamahan sila ng Panginoong Hesus, hindi Niya sinabi, “Papunta kayo sa maling daan. Ginagambala Ako nito, hindi Ako makasasama sa inyo malibang kayo ay bumaling. Yamang kayo ay Aking mga disipulo, dapat kayong sumama sa Akin.” Sa bagay ng tama o mali, ang dalawang disipulong yaon ay mali. Gayunpaman, walang sinabing anuman ang Panginoong Hesus hinggil dito. Sa halip, habang sila ay pababa, Siya rin ay nagtungong pababa (Luc. 24:13-15). Pagkatapos gumawi Siya bilang isa na walang anumang nalalaman, na nagtatanong, “Ano itong mga salitang pinagpapalitan ninyo sa isa’t isa habang kayo ay lumalakad?” (b. 17)….Tiyak na, higit na nakaaalam si Hesus kaysa sa kanila. Kung tayo ang Panginoong Hesus, maaaring nasabi natin, “Hindi ba ninyo nakikilala kung sino Ako? Ako ang personang pinag-uusapan ninyo.” Sa halip, ang Panginoong Hesus ay sumama lamang sa kanila sa isang tiyak na lugar, at nang sila ay makarating, tumigil sila upang kumain. Hindi sinasabi sa atin ng Biblia kung paano, nguni’t sa oras na iyon nabuksan ang kanilang mga mata, at nakilala nila Siya. Pagkatapos naglaho ang Panginoon, at tumayo ang mga disipulo at bumalik sa Herusalem (bb. 28-33).” (W. Lee, The Normal Way of Fruit-bearing and Shepherding for the Building Up of the Church, Chapter 7, Section 4, LSM)

Nararanasan ang Tulong ng Espiritu sa Pagtulong sa mga Banal

“Minsan ang mga nakatatandang kapatid na lalake sa buhay-ekklesia ay lubhang kagalang-galang, napakataas. Bagama’t sinusubukan nilang tulungan ang mga banal, hindi nila sila tinutulungan ayon sa kalagayan ng mga banal. Sa araw ng pagkabuhay na muli, dumating ang Panginoong Hesus sa dalawang disipulo na patungong Emaus (Luc. 24:13-33). Sumama ang Panginoon sa kanila nang lubusang ayon sa kanilang kalagayan. Habang sila ay nag-uusap, nagkunwari ang Panginoong Hesus na walang anumang nalalaman. Tila ba Siya ay nagtanong na, “Anong pinag-uusapan ninyo?” Sinaway Siya ng dalawang disipulo, “Ikaw ba ay hindi nakaaalam ng mga bagay na nangyari roon sa mga araw na ito?” Sinabi ng Panginoon, “Anong mga bagay?” Sinabi nila, “Ang mga bagay tungkol kay Hesus na Nazareno, isang Propeta, makapangyarihan sa gawa at salita sa harap ng Diyos at ng lahat ng mga tao; kung paanong ibinigay Siya sa hatol ng kamatayan at Siya ay ipinako sa krus.” Hindi sila sinaway ng Panginoong Hesus ni inihayag ang Kanyang Sarili sa kanila. Pinanatili Niya ang Kanyang Sarili ayon sa kanilang kalagayan, lumalakad kasama nila hanggang sa sila ay makarating sa nayon. Hiniling nila sa Kanya na manatili sa kanila at gayon nga ang ginawa Niya. Habang sila ay nakaupo sa silid, kinuha ng Panginoon ang tinapay at pinagpira-piraso ito. Pagkatapos lamang niyaon na ang kanilang mga mata ay nabuksan upang makita na iyon ang Panginoon. Nang matanto nilang iyon ang Panginoon, Siya ay naglaho….Sa buhay-ekklesia kailangang tulungan ng mga nakatatandang kapatid na lalake at babae ang mga nakababata ayon sa kanilang kalagayan. Kailangan nilang sumama upang tulungan sila sa kanilang mga kahinaan. Walang sinuman sa atin ang napakalakas. Tayong lahat ay humihibik, umaasam, at nagsasabing, “O Panginoon, kailan?” Araw-araw tayo ay nagdurusa. Gayunpaman, ang Espiritu Santo ay naririyan, sumasama sa atin upang tulungan tayo ayon sa ating kalagayan.” (W. Lee, Life-Study of Romans, Chapter 19, Section 2, LSM)

Hinggil sa Pag-uugali at Kagalingan

Natututuhang Maging Pino sa Pag-uugali

“Sa paghahambing upang makita pagkakaiba ng Lucas 19 at Lucas 24, makikita natin ang mapagkikilanlang kaibahan sa pagitan ng pananatili ng Panginoon sa bahay ni Zaqueo at ng Kanyang pagpasok sa bahay kasama ng dalawang disipulong patungong Emaus. Nagboluntaryo ang Panginoon na pumasok sa bahay ni Zaqueo. Subali’t sa kaso ng dalawang disipulo, tila ba na nais Niyang magpatuloy pa. Mapagkikilanlan ng isang pinong tao ang dalawang ganap na magkaibang saloobin ng Panginoon dito….Nakilala na ng dalawang disipulong patungong Emaus ang Panginoon. Nguni’t sila ay bumalik sa dating gawi (backslidden). Bagama’t marami na silang narinig mula sa Panginoon, patungo pa rin silang Emaus. Ito ang dahilan kung bakit ang Panginoon ay kumilos na tila magpapatuloy pa. Nanatili lamang Siya matapos nilang himukin Siya. Sa isang pangyayari, mayroong isang taong papunta sa Panginoon. Sa isa pang pangyayari, may dalawang taong palayo sa Panginoon. Kaya, ang saloobin ng Panginoon ay magkaiba. Kailangan nating mahipo ang magiliw na damdamin ng Panginoong Hesus bago natin matanto kung sino si Hesus ng Nazaret at kung sino ang Isa na nilalayon ng Diyos na ihayag sa atin.” (W. Nee, The Collected Works of Watchman Nee, (Set 3) Vol. 54; How to Study the Bible & The Breaking of the Outer Man and the Release of the Spirit, Chapter 5, Section 5, LSM)

Natututuhan ang Kahinahunan ni Kristo

“Ang pinakamainam na salita upang ibuod ang totalidad ng mga pantaong kagalingan ni Kristo ay kahinahunan. Maliban sa Panginoong Hesus, walang sinumang tao ang nakapamuhay ng isang buhay ng kahinahunan. Kung babasahin ninyo ang apat na Ebanghelyo, makikita ninyo na ang pantaong pamumuhay ng Panginoong Hesus ay punô ng kahinahunan. Sa partikular, inensayo ng Panginoon ang kahinahunan sa Kanyang mga disipulo. Isaalang-alang ninyo, halimbawa, kung paano Siyang nagsalita sa dalawang disipulong patungong Emaus gaya nang itinala sa Lucas 24. Siya ay lumapit, sumama sa kanila, at sinabi sa kanila, “Ano itong mga salitang pinagpapalitan ninyo sa isa’t isa habang kayo ay lumalakad?” (b. 17). Ang isa sa mga disipulo ay sumagot, na may pananaway na tinig, “Ikaw ba ay isang dayuhang nag-iisang naninirahan sa Herusalem at hindi nakaaalam ng mga bagay na nangyari roon sa mga araw na ito?” (b. 18). Tila ba walang anumang nalalaman, nagtanong ang Panginoon, “Anong mga bagay?” (b. 19). Pagkatapos ay nagpatuloy sila upang sabihin sa Kanya ang tungkol kay Hesus ng Nazaret, “isang Propeta, makapangyarihan sa gawa at salita sa harap ng Diyos at ng lahat ng mga tao” (b. 19) at ipinako sa krus. Gaanong kahinahon ng Panginoong Hesus sa pakikinig sa mga disipulong nagsasalita ng mga bagay na higit pa Niyang nalalaman kaysa sa kanila! Matapos lumakad nang may kalayuan, “at malapit na sila sa nayong kanilang patutunguhan, at Siya ay kumilos na waring Siya ay magpapatuloy. At Siya ay kanilang hinimok, na nagsasabi, Tumuloy Ka sa amin, sapagka’t gumagabi na at ang araw ay halos magtatapos na. At Siya ay pumasok upang makituloy sa kanila” (bb. 28-29), naupo pa upang kumaing kasama nila. Nang kinuha Niya ang tinapay, pinagpala ito, pinagpira-piraso, at ibinigay sa kanila, “nangabuksan ang kanilang mga mata, at Siya ay nakilala nila” (bb. 30-31). Sa ganito tiyak na makikita natin ang kahinahunan ni Kristo. Siya ay may paglago sa buhay, kasiyahan sa buhay, at kakuntentuhan ng buhay na kailangan upang magkaroon ng kagalingan ng kahinahunan. Kaya, nasaan man Siya, Siya ay punô ng kahinahunan at maaari Niyang ensayuhin ang Kanyang kahinahunan sa lahat.” (W. Lee, The Conclusion of the New Testament, (Msgs. 050-062), Chapter 13, Section 2, LSM)

“Nang lumakad ang Panginoong Hesus kasama ng dalawang disipulo sa daan patungong Emaus, ipinakita Niya ang kahinahunan. Nang tinanong Niya sila kung ano ang kanilang pinag-uusapan, sumagot ang isa sa kanila, “Ikaw ba ay isang dayuhang nag-iisang naninirahan sa Herusalem at hindi nakaaalam ng mga bagay na nangyari roon sa mga araw na ito?” (Luc. 24:18). Bagama’t alam Niya ang lahat ng bagay, tinanong sila ng Panginoon, “Anong mga bagay?” (b. 19). May pagtitiis Siyang nakinig sa kanila habang kanilang sinasabi sa Kanya kung ano ang nangyari. Kalaunan, sa wastong panahon, ipinakilala ng Panginoon ang Kanyang Sarili sa kanila. Tunay na Siya ay mahinahon sa mga disipulong iyon. Kung ipakikita natin ang ating kahinahunan tungo sa iba, sila ay mapakakain, mapagagaling, at matutulungang lumago. Hindi natin sila masasanhing matisod o masaktan sa anumang paraan. Gayunpaman, dahil sa kakulangan ng ating kahinahunan, nasira natin ang iba sa ekklesia at sa ating buhay-pamilya.” (W. Lee, Life-study of Philippians, Chapter 56, Section 4, LSM)

“Ang buhay ng Panginoong Hesus ay ang pinakamainam na larawan ng kahinahunan. Isaalang-alang ninyo kung paano Siya nakipag-usap sa dalawang disipulo sa daan patungong Emaus. Sinasabi ng Lucas 24:15 na habang ang mga disipulo ay “nag-uusap at nagtatalakayan, si Hesus Mismo ay lumapit at sumama sa kanila.” Sinabi ng Panginoong Hesus sa kanila, “Ano itong mga salitang pinagpapalitan ninyo sa isa’t isa habang kayo ay lumalakad?” (b. 17) Ang isa sa mga disipulo ay sumagot, na may pananaway na tinig, “Ikaw ba ay isang dayuhang nag-iisang naninirahan sa Herusalem at hindi nakaaalam ng mga bagay na nangyari roon sa mga araw na ito?” (b. 18). Tila ba walang anumang nalalaman, nagtanong ang Panginoon, “Anong mga bagay?” (b. 19). Pagkatapos ay nagpatuloy sila upang sabihin sa Kanya ang tungkol kay Hesus ng Nazareth, Isa na sinasabi nilang “isang Propeta, makapangyarihan sa gawa at salita sa harap ng Diyos at ng lahat ng mga tao” Nagpatuloy sila sa pagsasabing ibinigay Siya ng mga punong saserdote at mga pinuno sa hatol ng kamatayan at ipinako Siya sa krus. Gaanong kahinahon ng Panginoon upang makinig sa mga disipulong isinasalita ang mga bagay na nalalaman Niya nang higit kaysa kanila! Matapos makapaglakad nang may kalayuan, “at malapit na sila sa nayong kanilang patutunguhan, at Siya ay kumilos na waring Siya ay magpapatuloy” (b. 28). Gayunpaman, “Siya ay kanilang hinimok, na nagsasabi, Tumuloy Ka sa amin, sapagka’t gumagabi na at ang araw ay halos magtatapos na. At Siya ay pumasok upang makituloy sa kanila” (b. 29). Naupo pa nga ang Panginoon upang kumaing kasama nila. Nang kinuha Niya ang tinapay, pinagpala ito, pinagpira-piraso, at ibinigay sa kanila, “nangabuksan ang kanilang mga mata, at Siya ay nakilala nila” (b. 31). Sa lahat ng ito makikita natin ang kahinahunan ng Panginoon.” (W. Lee, Life-study of Philippians, Chapter 57, Section 3, LSM)

(Nobyembre 25 ,2009)



 


Mga Kategorya ng Lathalain