Hinggil sa mga Naiibang Pagtuturo at Maling Pagtangan sa Salita
- Ano ang Dahilan Para ang Filadelfia ay Maging Isang Laodicea?
Sa isa sa mga lathalain niya nitong huli, ang tumututol na kapatid na babae ay naghanap ng butas sa dalawa na ayon sa kanya ay mga desisyon ng mga matanda na kanyang sinasalungat: ang diumano ay pagbabawal laban sa agarang pagbabautismo sa mga yaong bagong ligtas at the ang pagkasunod-sunod ng pagpupulong para sa pagpropropesiya at ng pagpupulong para sa pagpipira-piraso ng tinapay. Higit sa rito ay inakala din niya na ang "Filadelfia ay naging Laodicea" na sa kanyang lokalidad base sa mga aytem na kanyang inilahad. Nguni't salungat sa itinuturo ng kapatid na babae, ang pagkahulog ng ekklesia mula sa kundisyon ng Filadelfia tungo sa Laodicea ay walang kinalaman sa kung gaano kaaga mabautismuhan ang yaong mga bago o ang pagkasunod-sunod ng mga pagpupulong. Ang Salita, sa paliwanag ng ministeryo, ay hayagang nagpapakita na ang pagkawala ng pagmamahal ng kapatiran at ang pagkahulog mula sa tamang pagsasaayos sa buhay-ekklesia kasama ang opinyon ng marami ang dahilan upang ang ekklesia ay maging malahininga, aba, dukha, bulag at hubad. BASAHIN ANG BUONG LATHALAIN…
- Bakit Mahalaga na Tanganan ang mga Katotohanan sa Biblia nang Wasto?
Sina Kapatid Watchman Nee at Witness Lee ay nagturo sa atin na magbigay pansin sa mga katotohanan sa Biblia. Bawa’t salita sa mga Kasulatan ay nagsisilbing isang dibinong layunin. Kailangan nating tuklasin ang mga katotohanan sa Biblia – mga paglalarawan, mga bilang, mga salitang panuring, mga pandiwa, mga pangngalan, atbp. Bawa’t bagay tungkol sa Biblia ay isang mahalagang bahagi ng mensahe ng Diyos, hindi lamang kung ano ang sinasabi nito bagkus kung ano rin ang hindi sinasabi nito, ang pinakamaliit na mga detalye, maging ang pag-uulit. Sa pamamagitan ng pagtangan nang tapat sa mga wastong katotohanan, binibigyan natin ang Panginoon ng pagkakataong isilay ang Kanyang liwanag sa mga katotohanan upang maaari nating matanggap ang dibinong pahayag. Kasabay nito, kinakailangan nating pangalagaan kung paano natin tinatanganan ang Biblia. Hindi natin dapat baluktutin o sirain ito sa pamamagitan ng pagdaragdag o pagbabawas sa Banal na Salita. Kung wala ang mga wastong katotohanan, walang magiging liwanag o pahayag. Higit pa rito, hinggil sa mga yaong ating sinusundan, kailangan nating suriin kung paanong tinatanganan ng taong ito ang katotohanan. BASAHIN ANG BUONG LATHALAIN…
- Ano ba Talaga ang Pagpapala at Gantimpala ng Panginoon kay Antipas?
Ang lathalaing ito ay nagsusuring muli sa mayamang ministeryo mula kina kapatid Watchman Nee at Witness Lee hinggil sa martir na si Antipas (Apoc. 2:12-17), at pinasisinungalingan ang isang pahayag na si Antipas ay “tagatanggap ng pagpapala ng Panginoon sa paraan ng maraming espirituwal na bunga para sa pagpaparami ni Kristo at kaluwalhatian ng Diyos.” BASAHIN ANG BUONG LATHALAIN…
- Ang Bahay-bahay na Pagpupulong ng Hapag ng Panginoon ba ang Pinakamainam na Paraan sa Pagpapabilis ng Pagbabalik ng Panginoon?
Pinabubulaanan ng lathalaing ito ang pahayag na ginawa ng isang sumasalungat na kapatid na babae na ang bahay-bahay na pagpupulong ng hapag ng Panginoon ay ang pinakamainam na paraan sa pagpapabilis ng pagbabalik ng Panginoon. Wala sa mga Kasulatan ni sa ministeryo nina kapatid Nee at Lee ang nag-ugnay kailanman ng alinmang pagsasagawa ng pagpupulong sa pinakamainan na paraan ng pagpapabilis sa pagbabalik ng Panginoon. Sa halip, inihahayag ng ministeryo mula sa mga Kasulatan ang dalawampu’t apat na positibong aytem sa ating pamumuhay at paghahabol na makapagpapabilis sa pagbabalik ng Panginoon.” BASAHIN ANG BUONG LATHALAIN…