"Na nananangan sa tapat na salita na ayon sa pagtuturo, upang mahikayat niya sa pamamagitan ng malusog na pagtuturo, at mapaamin sa sariling kasalanan ang mga nagsisisalansang." - Tito 1:9

The Church in Malabon

19 Liwayway St., Acacia, Malabon City
Tel. #287-2225 / 288-9231

Mayo 18, 2010

Sa lahat ng mga banal at sa lahat ng mga ekklesia sa pagbabawi ng Panginoon,

Hindi kami nasisiyahan at labis naming ikinalulungkot ang naganap nitong kamakailan lamang na kami, ang mga matanda ng ekklesia sa Malabon, kailanman ay hindi nagnais na gawin sa buong buhay namin patungkol sa aming pagpapastol sa kawan ng Diyos at pagkakita sa kaisahan ng Katawan ni Kristo.

Gayunpaman, sa matinding kahilingan ng mga kapaki-pakinabang na pangyayari, wala kaming ibang paraan, sa pananatiling tapat sa pagtuturo ng mga apostol at sa Salita, kundi ang lagyan ng tanda ang isang lubhang minamahal na sangkap ng Katawan, ang isang malakas na kapatid na babae na walang alinlangang walang kapaguran at buong alab na nagpagal para sa ikalalaganap ng ebanghelyo, yaong isa na maaaring napakainam na maging mahalagang materyal sa pagtatayo ng Katawan ni Kristo kung hindi sana lubhang lumaki ang kanyang ulo at naging palalo na dulot ng ipinagpapalagay at sinasapantahang mga katagumpayan ng kanyang mga pagpupunyagi.

Ang tinutukoy namin ay si Sister Charing Garcia na aming nilagyan ng tanda batay sa Roma 16:17 at 2 Timoteo 2:25, na nagsasabi:

Roma 16:17 – Ngayon ay ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid, na maingat ninyong bantayan ang mga yaong gumagawa ng pagkakabaha-bahagi at ng mga katitisurang laban sa mga pagtuturo na inyong nangapag-aralan, at kayo ay magsilayo sa kanila.

2 Timoteo 2:25 – Na itinutuwid nang may kaamuan ang mga sumasalungat, baka sakaling sila ay pagkalooban ng Diyos ng pagsisisi sa lubos na ikaaalam ng katotohanan.

Sa pagkahilig ni Sister Charing para sa pagtuturo nang naiiba at halatang-halatang paglihis mula kapwa mga katunayan at mga katotohanan sa Bibliya, ang kanyang mga mapagbaha-bahaging paraan ng paggawa at mga pansariling gawain at kanyang mga mapanirang gawain ang nagpilit sa amin na suriing-muli ang aming mapagbigay na saloobin sa kanya at magkaroon ng isang mas mapagbantay na pakikitungo. Nang naging malinaw na siya ay nagdudulot ng isang pangmalawakang pagkakahawa ng mikrobyo ng pagkakabaha-bahagi at gumagawa ng lason ng rebelyon, na labis na makapipinsala sa kaisahan ng Katawan at sa mga nagtitiwalang banal, pinadalhan namin siya ng isang sulat noong Mayo 2, 2010 na malinaw na binabanggit isa-isa ang kanyang tumataliwas na mga pagtuturo, mga mapagbaha-bahaging gawain, at magkagayon ay nilagyan siya ng tanda ayon sa pagpapaalala at pagtuturo ng mga apostol.

Hayaan ninyong ipaalam namin sa inyo na ang paglalagay ng tanda ay hindi naging madali para sa amin. Ang desisyong gawin ang gayon ay nabuo lamang pagkatapos ng labis na pagsasaalang-alang sa harapan ng Panginoon at sa loob ng mahabang panahon ng pakikipagsalamuha sa mga kamanggagawa at mga matanda sa Metro Manila at Rehiyon I hanggang VI, kasama pa ang ilan sa mga kamanggagawa mula sa timog Pilipinas at Taiwan, at pagsasaalang-alang sa damdamin ng ilan sa mga blending brothers. Hindi matapos ang aming kalungkutan sa pagsasagawa ng pagtatanda, sapagka’t nalalaman namin na kami mismo bilang resulta ay dapat tiisin ang pagdurusang galing sa aming tunay na pagmamalasakit at pagmamahal para sa kanya. Subali’t kung ito ang makapagpapapawi ng kalungkutan sa aming nabibigatang puso, kami ay naaliw ng katunayan na ang damdamin ng Katawan sa bagay na ito ng paglalagay ng tanda ay nagkakaisa ang lahat.

Hinintay naming makita kay Sister Charing ang bunga ng pagsisisi (Luc. 3:8). Subali’t sa aming di-inaasahan, ito ay hindi dumating. Sa halip na matantong katiwalian, rebelyon, at pagsuway para sa kaninuman ang pinsalain ang Katawan, ang tugon ng kapatid na babae sa aming liham ng babala ay nagsasaad na nakalulungkot dahil hindi niya nakita ang liwanag. Ang kanyang panunuligsa ay naging higit pang marahas, ang kanyang paninirang-puri sa mga matanda sa Malabon at iba pa ay naging higit na matindi, at ang kanyang kawalan ng kahinahunan at kakulangan ng pagtitimpi sa sarili ay higit pang naging kapansin-pansin.

Habang madiin niyang itinatatwa na marami sa kanyang mga pagtuturo ay mali at lihis, may katapangan niyang ibinaling ang sisi sa amin sa pagsasabing kami ang mga yaong nagsanhi ng pagkakabaha-bahagi. Pinagpilitan niyang gamitin ang iginagalang na pangalan ni Brother Liu upang bigyang-katuwiran ang kanyang mga ginawa at kumuha ng simpatiya mula sa mga di-nasabihang banal habang kasabay nito ay pinasasamâ kami.

Mga minamahal na banal, tahasan naming idinedeklara na ang maraming paratang na ginawa ni Sister Charing laban sa amin ay kung hindi walang alinlangang kasinungalingan ay mga kalahatiang-katotohanan, at malinaw na mga produkto ng kanyang mapanlikhang imahinasyon at mga panlilinlang.

Binibigyan namin ang lahat ng mga ekklesia na kalakip nito ang aming liham ng babala noong Mayo 2, 2010 kay Sister Charing Garcia upang maipaalam at mabalaan ang lahat tungkol sa espirituwal na karamdaman na nagbabantang magdulot ng pinsala sa Katawan.

Hinihikayat namin ang mga banal na huwag basahin ang mga materyal na inilathala at ikinalat ni Sister Charing sa anyong inilimbag at sa Internet. Ang gayong mga materyal ay punung-puno ng mga pagtatanong at mga pagtatalo tungkol sa mga salitang nagkakalat ng espirituwal na karamdaman at kamatayan. Tumayo tayong matibay sa patotoo ng kaisahan sa namumukod-tanging pagbabawi ng Panginoon. Manalangin tayo na ang ating minamahal na Sister Charing at yaong mga nakikisimpatiya sa kanya ay makatanggap ng awa mula sa Diyos at magkaroon ng isang tunay na pagbaling mula sa kanilang kamalian upang muli ay sumunod sa mga yapak ng kawan. Amen.

 

Ang inyong mga kapaid kay Kristo,

Ang mga matanda ng ekklesia sa Malabon,

(May lagda sa orihinal na sulat)


JACINTO CHUA JOSE LIM THOMAS PE



FRED BONDOC JUN CRUZ BERT DE LEON