"Na nananangan sa tapat na salita na ayon sa pagtuturo, upang mahikayat niya sa pamamagitan ng malusog na pagtuturo, at mapaamin sa sariling kasalanan ang mga nagsisisalansang." - Tito 1:9

ISANG LIHAM NG SALAMUHA AT BABALA

Mayo 26, 2010

Sa lahat ng mga Banal at mga Ekklesia sa pagbabawi ng Panginoon,

May kabigatan kaming isulat ang liham na ito ng salamuha at babala sa inyong lahat habang isinasaalang-alang namin ang gawain ng Panginoon sa kalagitnaan natin kung saan tayo ay mga katiwala.

Sa mga nakalipas na ilang taon, sina Sister Charing Garcia at yaong ilan na nagpapangalat ng kanyang sumasalungat na pananaw, mga lumilihis na pagtuturo at mga kakatwang pagsasagawa, ay aktibong nagkakalat ng pagtututol sa kalagitnaan ng mga ekklesia at mga banal. Sila, kapwa sa pasalita at isinulat na salita, ay aktibong namimintas sa pagtuturo at direksyon ng gawa sa hilagang Pilipinas, na itinataguyod ang mga pananaw na kapwa hindi ayon sa Kasulatan at lihis mula sa ministeryong natanggap natin.

Inilalabas namin ang liham na ito sapagka’t ang pangangailangan ay nakapataw sa amin. Ang mga lumalaganap na pangyayari ang pumipilit sa aming gawin ang gayon sapagka’t (1) siya ay nagtuturo nang naiiba at nang mali, (2) siya ay nagsasagawa ng isang mapagbaha-bahagi, pansarili at walang kapanagutang gawain, at (3) siya ay naninira sa mga kamanggagawa at mga matanda.

Nagtuturo nang Naiiba at nang Mali

Bilang mga yaong nagsasagawa ng Bagong Tipang ministeryo, dapat tayong maging tapat sa pagtuturo ng mga apostol na siyang bumubuo ng mga nilalaman ng Bagong Tipang ekonomiya ng Diyos. Hindi tayo dapat magturo nang naiiba, at hindi tayo dapat sumunod sa mga yaong nagtuturo nang naiiba.

Gayunpaman sa kabila ng maraming pagsisikap sa panig ng mga nangungunang kapatid na makipagsalamuha kay Sister Charing upang iwasto ang kanyang mga maling pagtuturo sa loob ng mahabang panahon, siya sa pangkalahatan ay hindi naapektuhan ng aming mga pagsisikap. Sa halip na magbukas sa damdamin ng Katawan, siya ay tumanggi sa salamuha ng mga kamanggagawa upang isagawa ang kanyang sariling gawain, at mas masama pa, nagpilit na ilathala ang kanyang sariling mga sulatin upang itaguyod ang kanyang mga pagtuturo at gawain.

Hindi siya nakinig sa paalala ng Kasulatan para sa mga babae na huwag magturo ng katotohanan na may awtoridad (1 Tim. 2:11-12). Ang kanyang website ay nagbubunsod ng mga pagtuturo na napansing hindi ayon sa Kasulatan at naiiba mula sa kung ano ang natanggap natin mula sa ministeryo ng kapanahunan. Ang kanyang mga sulatin ay naglalaman ng maraming hangin ng aral na nabuo tungo sa sistema ng kamalian upang madala ang mga nagtitiwala at di-nakahandang banal.

Upang maprotektahan ang mga banal at mga ekklesia, inilathala namin ang www.healthyteaching.org na nagtatala at nagwawasto ng kanyang mga kamalian at maling layunin habang ipinaliliwanag nang matuwid ang salita ng katotohanan upang ipagtanggol ang mga aytem na napasailalim ng nakapipinsalang pagsalakay. Inirerekomenda namin sa mga banal na basahin nang buong kasigasigan at nang may pananalangin ang mga lathalaing ito at mabakunahan ng nagsasangkap na katotohanan.

Ang Kanyang mga Mapagbaha-bahagi at Pansariling Gawain na Tumatangging Magkaroon ng Kapanagutan sa Katawan

Habang nasa kalagitnaan pa namin, nagpakita siya ng maraming palatandaan ng rebelyon sa pamamagitan ng patuloy na pagsuway sa pamumuno at pagsasaayos sa gawa. Sa maraming lugar na pinuntahan niya upang gumawa, ang ulat mula sa mga nangungunang kapatid na lalake ay yaong ang resulta ay hindi naging matamis. Nang ang kanyang mga gawaing nagsasanhi ng alitan at mapagmataas na saloobin ay nadala sa liwanag, sinikap niyang antigin ang damdamin ng mga nakababatang kamanggagawa upang ipagtanggol siya, at nang pumalya ito, pinaratangan niyang natatakot ang mga kamanggagawang ito na mawalan ng suportang pinansyal bilang dahilan ng hindi pagpanig sa kanya.

Higit pa rito, ang pagtataas niya sa isang panlarawang pagsasagawa sa Bibliya at gawing isang ganap at idinidiktang pagtuturo, na ipinipilit sa mga ekklesiang isagawa ang kanyang kakatwang paraan ng bahay-bahay na pagpupulong ng hapag ng Panginoon, ay nagbunga ng kaguluhan at nagresulta sa mga mapagbaha-bahaging hapag sa Malabon at Makati, na isa lamang sa marami pang suliranin.

Ang Kanyang mga Mapanirang Gawain Laban sa mga Kamanggagawa at mga Matanda

Tinanggihan ni Sister Charing ang salamuha at pagsasaayos ng mga matanda ng ekklesia sa Malabon kung saan siya ay nagpupulong, at paulit-ulit at hayagan niyang hinamak at tinuya sila. Nanulsol din siya ng rebelyon sa pamamagitan ng kanyang maraming salita at pagkilos. Madami sa mga pahayag na kanyang ginawa sa publiko at sa pribado ang tumutuligsa sa mga nangungunang kamanggagawa at mga matanda rito at sa ibang bansa, maging ilan sa mga blending brothers na nangunguna sa ministeryo sa pagbabawi ngayon. Itong napakasamang gawaing ito ay masidhing nakasira sa koordinasyon sa gitna natin.

Karagdagan dito, madalas niyang ipinaparangya ang kanyang mga kwalipikasyon at mga inaakalang tagumpay sa gawain habang hinahamak ang iba at kanilang gawain. Ang kanyang kawalan ng kahinahunan at lubusang kawalan ng pagtitimpi, kahambugan, pagkamasarili, kapalaluan at pagmamataas ay nagtatanghal ng isang pag-uugali na di-karapat-dapat para sa isang kamanggagawa. Ang pagtanggi niyang maihalo sa iba ay madalas na nagresulta sa maraming suliranin sa nakaraan, at sa pamamagitan ng kanyang mga kasinungalingan at pakana sinanhi niya ang ilang kamanggagawa na di-makatarungang magdusa ng kalugihan, kagaya nang nangyari sa kaso ni Brother William Bahandi.

Sa higit pang pagpapakita ng kanyang kapangahasan, paulit-ulit niyang ginamit ang lathalain ng gawa, ang Bagong Tao, upang ihinga ang kanyang mga sama ng loob, mga naiibang pananaw, at mga naiibang pagtuturo, walang pangangailangan gayunpaman ay ikinakalat sa mga kapatid at mga ekklesia ang mga bagay na pagpapasiyahan pa lamang sa gawa, upang gipitin ang mga nangunguna sa gawa na sumunod sa gusto niya. Nang hindi na niya magawa ito, nagpilit siyang maglathala ng isang taliwas na website sa kabila ng pagkaalam sa prinsipyo ng “isang gawaing lathalain sa pagbabawi ng Panginoon,” isang prinsipyong iginabay sa atin nina kapatid Nee, Lee at Liu na sundin sa nakaraan nang sa gayon ay hindi magkaroon ng di-tiyak na pagpapatunog ng trumpeta sa ministeryo na makapagpapalito sa mga banal.

Hinggil sa kanyang website, kailangan nating ipakita na habang sinasabi niyang ito ay personal sa kalikasan, halos tinatalakay nito ang maraming bahagi sa gawa at patuloy na hinihipo ang mga bagay ukol sa administrasyon ng ekklesia. Habang inihahayag ng kanyang website na ito ay may isang positibong apat-na-panig na layunin, malawakan itong naglalaman ng iba’t ibang akusasyon at pasaring laban sa mga kamanggagawa at mga matanda, nagbibigay pa ng panibagong kahulugan sa maraming katotohanan. Nagmumungkahi ito ng kanyang iba’t iba at maling mga pagtuturo. Matindi nitong pinasusulong ang kanyang mga pananaw at mga pagsasagawa habang patuloy na ginaganap at namumukol ng mga paninirang-puri sa mga yaong hindi nakikibahagi sa kanyang mga pananaw o mga pagsasagawa.

Isang Hayagang Paglilinaw

Paulit-ulit, nagmatigas si Sister Charing sa paggamit sa iginagalang na pangalan ni Brother Liu Chi Cheng upang bigyang-katuwiran sa iba ang kanyang sariling gawain. Ginagawa niya ito habang maingat niyang itinatago ang kanyang mga naiibang pagtuturo, mga mapagbaha-bahaging gawain at mga mapanirang gawain mula sa ating kapatid na hindi nagbabasa ng Ingles at Tagalog, na inilalahad lamang sa kanya ang positibong panig ng kanyang gawain katulad ng pag-eebanghelyo at pagpapastol, samantalang iginuguhit sa kanya ang isang negatibong larawan ng mga kamanggagawa at mga matanda na pinili niyang batikusin.

Sa tagal na ng panahon, dahilan sa kaguluhang ipinalaganap ni Sister Charing, marami sa mga nangungunang kapatid at mga banal ang naghanap ng paglilinaw sa amin patungkol sa kanyang katayuan sa gawa. Sa pamamagitan ng sulat na ito, nais naming kompirmahin na siya ay hindi na isang kamanggagawa. Nitong nagdaang Nobyembre, siya ay hinilingan din ng Living Stream Ministry na lubusang lumayo sa gawaing pagsasalin ng Lumang Tipan ng Salin sa Pagbabawi, at sa mahigit isang taon na ngayon ay wala na siyang kaugnayan sa Fulltime Training o Literature Center, na siyang isang dahilan kung bakit kamakailan lamang ay hiniling din sa kanyang iwanan ang itinalagang kwarto sa kanya sa training center.

Yamang nagbitiw na mula sa gawa, siya mismo ang nagpahayag nang publiko at pribado na siya ay ang “manggagawa ng Panginoon” at hindi isang kamanggagawa ng sino man sa amin. Kaugnay rito, nais naming malaman ng mga banal at mga ekklesia na ang kanyang gawain, lalo na ang kanyang taliwas na mga pagtuturo, mga mapagbaha-bahaging paraan ng paggawa, at mga kakaibang pagsasagawa na kanyang itinataguyod ay hindi pinahihintulutan ng gawa at hindi sa anumang paraan na kumakatawan sa mga kamanggagawa.

Isang Salita ng Paalala

Tunay na ninanais namin na ang mga banal at mga ekklesia ay mapreserba mula sa anumang higit pang pinsala at maingatan sa loob ng kapayapaan para sa kanilang ikatatayo (Gawa 9:31). Dahilan sa si Sister Charing at kanyang mga tagasuporta ay patuloy na aktibong naghahasik ng pagsuway sa pamamagitan ng mga pribadong pakikipag-ugnayan sa mga banal at sa kanilang mga sulatin, hinihiling namin sa mga ekklesia at mga banal na tanggihan at huwag tanggapin ang kanyang mga tiwaling gawain at mga lathalain. Pinaaalalahanan namin ang mga banal na huwag basahin ang mga materyal na inilathala at ipinangalat ni Sister Charing at ng kanyang mga tagasuporta sa anyong inilimbag, sa mga email at sa internet. Ang mga gayong materyal ay punung-puno ng mga pagtatanong at mga pagtatalo tungkol sa mga salitang nagkakalat ng espirituwal na karamdaman at kamatayan (1 Tim. 6:4; 2 Tim. 2:16-17, 23). Gumagamit sila ng mga pangangatwiran, binabago ang mga Kasulatan at ministeryo bilang pandaraya, at gumagawa ng mga madamdaming pananawagan upang makakuha ng simpatiya at malinlang ang mga di-nasabihan upang akitin sila para sa kanilang mga sarili (Gawa 20:29-30). Dapat tayong maging maingat sa sinumang nagkakalat ng espirituwal na kamatayan at lumayo sa kanila (Blg. 6:6-9). Dapat nating madaig ang anumang personal na pagmamahal at tumayong matatag sa patotoo ng kaisahan sa namumukod-tanging pagbabawi ng Panginoon.

Pagiging Lubusang Para sa Katotohanan Na Walang Personal na Pagmamahal

Kung ang isang naglilingkod ay lumihis mula sa katotohanan, maging sino man siya, hindi dapat sumunod ang mga banal sa kanya, kahi’t pa nakatanggap sila dati ng tulong mula sa kanya. Upang maging lubusan sa katotohanan at maging tapat sa pagbabawi ng Panginoon, dapat nating lahat na isaisantabi ang mga personal na damdamin at mga ugnayan (Mat. 12:48-50; 1 Ped. 1:22).

“Gaano pa man ang natanggap nating tulong mula sa isang tao sa nakalipas, kung nakagawa siya ng isang bagay na nakasasakit sa Katawan, dapat nating isagawa ang katotohanan” [tumutukoy sa katotohanan sa Roma 16:17]. (The Problems causing the Turmoils in the Church Life, p.152).

“Ang pagiging lubusan para sa katotohanan ay nangangahulugan na walang mga damdaming personal o mga pampapilyang relasyon ang pinapayagan na humadlang sa daan ng katotohanan. Sa espirituwal na mga bagay, ang katotohanan ay nakukumpormiso sa sandaling ang mga pantaong relasyon ay isinasaalang-alang.” (The Collected Works of Watchman Nee, vol. 52: The Character of the Lord’s Worker, p. 152)

Nilalagyan Siya ng Tanda Bilang Mapagbaha-bahagi Batay sa Roma 16:17

Bagaman paulit-ulit niyang ipinahayag na siya ay hindi namin kamanggagawa, kamakailan ay ipinadala niya ang kanyang may kapalaluan at mapagparatang na sulat bilang tugon sa mga matanda sa Malabon sa mga kamanggagawa sa hilagang Pilipinas at ibang banal. Sa kabila ng paulit-ulit na pagsusumikap na tugunan ang mga suliranin kay Sister Charing at kanyang mga tagasuporta, malinaw na ngayon na wala silang intensyon na baguhin ang kanilang tinatahak kundi sa halip ay nagiging higit at higit pang agresibo at matindi sa pagpapalaganap ng kanilang mali at mga naiibang pagtuturo at pagkakalat ng kanilang mapagbaha-bahaging gawain.

Pagkatapos ng mga taon ng paghihintay sa harapan ng Panginoon, nagpadala ang mga matanda ng Malabon ng isang sulat ng babala sa mga ekklesia upang lagyan siya ng tanda bilang mapagbaha-bahagi. Nito lang, nagpasya na silang ihiwalay ang kapatid-na-babae at yaong mga nakikibahagi sa kanyang mga mapagbaha-bahaging gawain alang-alang sa pagpepreserba ng kalusugan ng Katawan. Hinihikayat namin ang mga banal na basahin ang mga sulat na ito, na ngayon ay inilathala sa www.healthyteaching.org, upang maging malinaw sa mga kaugnay na katunayan at katotohanan.

Kaagapay nitong mga babalang ginawa ng mga matanda ng ekklesia sa Malabon, at sa liwanag ng Roma 16:17 na nagpapaalala sa atin na lagyan ng tanda ang mga yaong gumagawa ng mga pagkakabaha-bahagi at mga sanhi ng pagkakatisod na salungat sa pagtuturong ating natutuhan, at lumayo sa kanila, taimtim naming hinihikayat ang lahat ng mga banal na samahan kami sa paglalagay ng tanda kay Sister Charing Garcia at yaong mga nagpapangalat ng kanyang mga mapagbaha-bahaging pananaw at mapagtutol na pagsasalita. Alang-alang sa pagpepreserba ng kanilang mga sarili at ng iba pa sa Katawan, hinihikayat namin ang mga banal na bantayan ang mga yaong nakahahawang mapagbaha-bahaging tao at lumayo sa kanila. Ipinakikita sa atin ng Tito 3:10 na, ang isang sumasalungat na mapagpangkat-pangkat na tao -- ang isang eretikal, makasektang tao na nagsasanhi ng pagkakabaha-bahagi sa pamamagitan ng pagbubuo ng mga pangkat-pangkat sa ekklesia ayon sa kanyang mga sariling opinyon – ay dapat na tanggihan, huwag tanggapin, pagkatapos ng isa at ikalawang pagsaway. Ang tanggihan ang gayong isa ay hindi nangangahulugan na itiwalag o putulin siya. Sa halip, nangangahulugan ito na kumikilos tayo upang ihiwalay siya nang sa gayon ay maligtas kapwa ang nakakahawa at ang iba pa sa Katawan.

Hindi kami nagkikimkim ng personal na hinanakit at hindi nagbabadya ng hindi maganda tungo kay Sister Charing at yaong mga nagpapangalat ng kanyang mga mapagbaha-bahaging pananaw at pagsasalita. Naging matiisin kami sa situwasyong ito sa loob ng mga taon, na naghahangad ng kanilang pagsisisi. Naisin at panalangin namin na, sa pamamagitan ng mga kahabagan ng ating Tagapagligtas na Diyos, si Sister Charing at kanyang mga tagasuporta na nagpapangalat ng kanyang mga mapagtutol na pananaw at mga iba’t ibang pagtuturo ay magbabago ng kanilang tahakin. Idinedeklara namin ang aming pagiging bukas upang mapanumbalik sa salamuha ang sinumang tunay na lumisan mula sa kanilang paglihis at nagpapakita ng mga bunga ng pagsisisi. Gayunpaman, habang nananatili silang matigas ang ulo at patuloy sa kanilang gawain ng pagpapangkat-pangkat upang sumalungat, binibigyan namin ng pag-aatas ang mga ekklesia, lalo na ang mga matanda, na bantayan sila at lumayo sa kanila upang protektahan ang mga ekklesia mula sa kanilang mga mapanganib at mapangwasak na gawain.

Pahintulutan nawa tayong lahat ng Panginoon na mag-isip ng magkatulad na bagay (Fil. 2:2) at magsalita ng magkatulad na bagay (1 Cor. 1:10) nang sa gayon ay maisagawa natin ang namumukod-tanging gawain ng Bagong Tipang ministeryo para sa pagtatayo ng Katawan ni Kristo (Efe. 4:12). Purihin ang Panginoon! Ang Kanyang patotoo ay nagpapatuloy sa pagsilay nang maliwanag at ang Kanyang gawain sa Pilipinas ay nagpapatuloy upang mapagpala sa tunay na kaisahan at iisang puso’t kaisipan (Juan 17:11, 21-23; Efe. 4:3-6; Roma 15:5-6).

Bilang kinatawan ng mga kamanggagawa sa Hilagang Pilipinas,