Mga Lathalain
Hinggil sa Pagpupulong ng Hapag ng Panginoon
- Ang Pagpira-piraso ni Hesus ng Tinapay kasama ng Dalawang Disipulo Patungong Emaus ay isa bang Pagpupulong ng Hapag ng Panginoon?
Ang ayon sa Kasulatang tala ng pagpapakita ng Panginoon sa dalawang disipulong patungong Emaus ay punung-puno ng maraming aralin para sa ating mga mananampalataya ngayon. Dinetalye ng lathalaing ito ang maraming aralin mula sa bahaging ito ng Salita sa Lucas 24 gaya nang inihayag ng ministeryo nina kapatid Watchman Nee at Witness Lee at iba pang tagapagpaliwanag ng Biblia, at kung paano ito maling tinanganan at binaluktot ng isang mapagtutol na kapatid na babae sa pag-uugnay ng bahay-bahay na pagpupulong ng hapag ng Panginoon sa pagpira-piraso ng tinapay ng Panginoon kasama ng dalawang disipulo. BASAHIN ANG BUONG LATHALAIN…
- Ano ang mga Pagsasagawa ng Sinaunang Buhay-ekklesia sa Gawa 2?
Ang Gawa 2:46 ay ginamit ng isang mapagtutol na kapatid na babae bilang basehang ayon sa Kasulatan para sa pagtataguyod ng kanyang estilo ng bahay-bahay na pagpupulong ng hapag ng Panginoon. Sinisikap at higit na maingat tayong ibinabalik ng lathalaing ito sa tala ng Biblia sa Gawa 2:42-47. Sinusuri nito nang detalyado ang labinlimang kapuna-punang bagay (hindi lamang ang iisang pagsasagawa ng pagpipira-piraso ng tinapay sa bahay-bahay) na naglarawan sa kahanga-hangang buhay-ekklesia noong sinaunang panahon, at binibigyan tayo ng isang buo at balanseng pananaw ng mga pagsasagawa ng sinaunang buhay-ekklesia kaugnay sa kasalukuyang panahon at upang maligtas mula sa isang labis, walang batayang isahang pagdidiin na ibinigay sa bagay ng “bahay-bahay na pagpupulong ng hapag ng Panginoon.” BASAHIN ANG BUONG LATHALAIN…
- Ano ang Ayon sa Kasulatan na Kahulugan at Pagsasagawa ng Pagpupulong ng Hapag ng Panginoon?
Ang pagpupulong ng hapag ng Panginoon ay ang pinakamahalagang pagpupulong ng ekklesia. Hinihipo nito ang puso ng Panginoon upang matanto ang wastong kahalagahan nito at binibigyang-karangalan nito ang Panginoon na isagawa ito nang may isang gayong pagkatanto at alinsunod sa kung ano ang inihahayag sa Biblia. Maraming kapakinabangan ang makukuha mula sa pagbabasa ng lathalaing ito na nagtatalakay muli sa pagpupulong ng hapag ng Panginoon nang may malaking pag-iingat at pag-aaral. Ito ay bumabalik sa tala ng mga Kasulatan at sa tapat na pagbubukas ng bagay na ito sa pamamagitan ng ministeryo. BASAHIN ANG BUONG LATHALAIN…
Hinggil sa Dibinong Awtoridad sa Ekklesia
- Sino ang mga Kinatawang Awtoridad ng Diyos sa Katawan?
Sa kapitulo 7 at 8 ng kanyang aklat na Authority and Submission, malinaw na ipinakita ni Kapatid Nee kung sino ang mga kinatawang awtoridad sa ekklesia, ang Katawan ni Kristo, na kanyang unang kinilala bilang ang mga matanda sa ekklesia, ang mga nakatatandang banal, mga lalake sa ekklesia, mga asawang-lalake, ibang mga sangkap ng Katawan, at gawain ng ibang mga sangkap. Yamang iginagalang ng Diyos ang Kanyang mga kinatawang awtoridad sa kabila ng kanilang mga kahinaan, dapat nating matutuhang igalang sila at magpasakop sa kanila. Ang pagpapasakop sa kinatawang awtoridad ay isang tunay na pagsubok sa atin. Yaong mga tumatanggi sa kinatawang awtoridad ng Diyos ay tumatanggi sa Diyos Mismo. Ang mga yaong umaalipusta sa kinatawang awtoridad ay mawawalan ng kanilang espirituwal na kapangyarihan. BASAHIN ANG BUONG LATHALAIN…
- Alalahanin, Tumalima, at Batiin ang mga Nangunguna sa Inyo
Sa Hebreo 13, si Pablo ay may isang tatlong ulit na pagbabanggit ng “ang mga nangunguna sa inyo”: alalahanin ang mga nangunguna sa inyo (b. 7), tumalima sa mga nangunguna sa inyo (b. 17), at batiin ang lahat ng mga nangunguna sa inyo (b. 24). Sa lathalaing ito, ating sinusuring muli ang intensyon, wastong pagpapaliwanag at paggamit ng tatlong bersikulong ito kung ihahambing sa isang lathalain ng mapagtutol na kapatid na babae na, habang sa panlabas ay nagdadala ng pamagat na “Obey the Ones Leading You”, ay punung-puno ng mapagmataas na mga reklamo at walang mga basehang paratang laban sa ilang mga matanda, at sa katunayan ay nangahulugang maghasik ng hidwaan at paghihinala sa mga mambabasa laban sa mga nangunguna sa kanila. BASAHIN ANG BUONG LATHALAIN…
- Sino ang mga Bituing Nagliliwanag at ang mga Bituing Gala?
Si Kristo ang ating Bituing nagliliwanag sa kalagitnaan ng kadiliman, at kailangan din nating maging mga mandaraig na bituing nagliliwanag sa mga ekklesia at maligtas mula sa pagiging o pagsunod sa mga bituing gala. Ang isang gayong salita mula sa ministeryo hinggil sa mga bituing nagliliwanag at mga bituing gala ay hindi kailanman nakatalagang gamitin upang sirain ang administrasyon ng Diyos sa ekklesia. Ang lathalaing ito ay naglalahad ng buong ibig sabihin ng nilalaman ng mensaheng binago at sinipi nang mali ng isang tumataliwas na kapatid na babae at dinadala ang mga mambabasa pabalik sa layunin at kabigatan ni Kapatid Lee sa paghahayag ng bahaging ito ng Salita. BASAHIN ANG BUONG LATHALAIN…
Hinggil sa Dibinong Kaayusan sa Ekklesia
- Hindi ba Ayon sa Kasulatan Para sa mga Kapatid na Babae na Magpasakop sa mga Kapatid na Lalake?
Malinaw na ipinakikita sa atin ng 1 Cor. 11:3 ang isang dibinong pagsasaayos na itinalaga ng Diyos sa pamamagitan ng tatlong pagkaulo: Diyos-Kristo-Tao. Ang Diyos ay ang ulo ni Kristo, si Kristo ay ang ulo ng lalake, at ang lalake ay ang ulo ng babae. Ang bersikulong nag-uugnay ng pagtatakip sa ulo ng babae sa panalangin at pagpopropesiya ay pinasisinungalingan ang pahayag na ang pagkaulo ng lalake sa ibabaw ng babae ay may kaugnayan lamang sa mga bagay ng pamilya at hindi ginagamit sa ekklesia. BASAHIN ANG BUONG LATHALAIN…
- Mga Babae sa Dibinong Administrasyon
Ipinakikita sa atin ng Biblia na ang mga kapatid na babae ay gumaganap ng isang mahalaga at positibong tungkulin at gawain sa buhay-ekklesia at sa paglilingkod sa Panginoon. Gayunpaman, paminsan-minsan ilang mga kapatid na babae ay lumampas na at nagsanhi ng pagkasira sa mga tiyak na lugar sa pamamagitan ng pagtatangkang igiit ang awtoridad sa isang ekklesia o sa gawa. Ang lathalaing ito ay isang pagpapaalala sa pangangailangang makilala, respetuhin at sumunod sa pampamahalaang pagsasaayos ng Diyos hinggil sa mga kapatid na babae sa ekklesia at sa paglilingkod sa Panginoon upang ang isang wastong kaayusan ay maaaring mapanatili para sa kapakanan ng pagtatayo. Nagpapakita ito ng mga tularan sa mga Kasulatan kaugnay sa mga kapatid na babae na naglilingkod sa loob ng wastong koordinasyon taglay ang itinalagang awtoridad ng Diyos. Ito ay nagwawasto ng maling paggamit ng mga bersikulo gaya ng Gal. 3:28 at Apoc. 1:16 at 20 upang pangatwiranan ang pangwawasak sa administrasyon ng Diyos sa ekklesia. Panghuli, ito ay nagbibigay ng mayaman at nakapagpapalinaw na mga dahong-dagdag na tumatalakay sa mga mahalagang punto mula sa ministeryo ukol sa pagpapasakop sa awtoridad at ang gawa. BASAHIN ANG BUONG LATHALAIN…
Hinggil sa Gawa at mga Kamanggagawa
- Walang Di-Tiyak na Tunog ng Trumpeta sa Ministeryo ng Panginoon
Tapat na nagbabala si Kapatid Witness Lee sa mga kamanggagawa laban sa paggawa ng kanilang sariling gawa nang patago habang kitang-kitang nakikilahok sa gawa ng ministeryo sa pagbabawi ng Panginoon. Isang mapagtutol na kapatid na babae ang nagpupumilit na pangasiwaan ang kanyang sariling website upang ilabas ang kanyang mga pananaw, turuan at punahin ang pamumuno sa gawa at sa gitna ng mga ekklesia, makitid at di-wastong tinukoy ang kanyang sariling pangkat ng pamantayan ng kung ano ang isang “gawain sa loob ng isang gawain” upang absuweltuhin ang kanyang sarili laban sa may awtoridad na deklarasyon ni Brother Liu Chi Cheng na ang kanyang gawain ay napasasailalim ng isang gayong gawain. Ang lathalaing ito ay nagsaliksik nang puspusan tungo sa loob ng ministeryo at inilalahad ang limang palatandaan upang suriin kung ang isa ay gumagawa ng namumukod-tanging gawain ng ministeryo at ang labimpitong pananda ng isa na gumagawa ng kanyang sariling gawain sa loob ng gawa. Ang pagsusuri sa gawain ng kapatid na babae kung ihahambing sa mga halaw mula sa ministeryo at sa mga halimbawa ng Panginoon at ng Kanyang mga tapat na lingkod ay tiyakang nagpapakita na ang “isang gawain sa loob ng gawain” ay hindi isang maling katawagan bagkus sa katotohanan ay isang angkop na paglalarawan ng kanyang gawain gaya nang nakikita sa website na “seekers of God’s desire”. BASAHIN ANG BUONG LATHALAIN…
Hinggil sa mga Naiibang Pagtuturo at Maling Pagtangan sa Salita
- Ano ang Dahilan Para ang Filadelfia ay Maging Isang Laodicea?
Sa isa sa mga lathalain niya nitong huli, ang tumututol na kapatid na babae ay naghanap ng butas sa dalawa na ayon sa kanya ay mga desisyon ng mga matanda na kanyang sinasalungat: ang diumano ay pagbabawal laban sa agarang pagbabautismo sa mga yaong bagong ligtas at the ang pagkasunod-sunod ng pagpupulong para sa pagpropropesiya at ng pagpupulong para sa pagpipira-piraso ng tinapay. Higit sa rito ay inakala din niya na ang "Filadelfia ay naging Laodicea" na sa kanyang lokalidad base sa mga aytem na kanyang inilahad. Nguni't salungat sa itinuturo ng kapatid na babae, ang pagkahulog ng ekklesia mula sa kundisyon ng Filadelfia tungo sa Laodicea ay walang kinalaman sa kung gaano kaaga mabautismuhan ang yaong mga bago o ang pagkasunod-sunod ng mga pagpupulong. Ang Salita, sa paliwanag ng ministeryo, ay hayagang nagpapakita na ang pagkawala ng pagmamahal ng kapatiran at ang pagkahulog mula sa tamang pagsasaayos sa buhay-ekklesia kasama ang opinyon ng marami ang dahilan upang ang ekklesia ay maging malahininga, aba, dukha, bulag at hubad. BASAHIN ANG BUONG LATHALAIN…
- Bakit Mahalaga na Tanganan ang mga Katotohanan sa Biblia nang Wasto?
Sina Kapatid Watchman Nee at Witness Lee ay nagturo sa atin na magbigay pansin sa mga katotohanan sa Biblia. Bawa’t salita sa mga Kasulatan ay nagsisilbing isang dibinong layunin. Kailangan nating tuklasin ang mga katotohanan sa Biblia – mga paglalarawan, mga bilang, mga salitang panuring, mga pandiwa, mga pangngalan, atbp. Bawa’t bagay tungkol sa Biblia ay isang mahalagang bahagi ng mensahe ng Diyos, hindi lamang kung ano ang sinasabi nito bagkus kung ano rin ang hindi sinasabi nito, ang pinakamaliit na mga detalye, maging ang pag-uulit. Sa pamamagitan ng pagtangan nang tapat sa mga wastong katotohanan, binibigyan natin ang Panginoon ng pagkakataong isilay ang Kanyang liwanag sa mga katotohanan upang maaari nating matanggap ang dibinong pahayag. Kasabay nito, kinakailangan nating pangalagaan kung paano natin tinatanganan ang Biblia. Hindi natin dapat baluktutin o sirain ito sa pamamagitan ng pagdaragdag o pagbabawas sa Banal na Salita. Kung wala ang mga wastong katotohanan, walang magiging liwanag o pahayag. Higit pa rito, hinggil sa mga yaong ating sinusundan, kailangan nating suriin kung paanong tinatanganan ng taong ito ang katotohanan. BASAHIN ANG BUONG LATHALAIN…
- Ano ba Talaga ang Pagpapala at Gantimpala ng Panginoon kay Antipas?
Ang lathalaing ito ay nagsusuring muli sa mayamang ministeryo mula kina kapatid Watchman Nee at Witness Lee hinggil sa martir na si Antipas (Apoc. 2:12-17), at pinasisinungalingan ang isang pahayag na si Antipas ay “tagatanggap ng pagpapala ng Panginoon sa paraan ng maraming espirituwal na bunga para sa pagpaparami ni Kristo at kaluwalhatian ng Diyos.” BASAHIN ANG BUONG LATHALAIN…
- Ang Bahay-bahay na Pagpupulong ng Hapag ng Panginoon ba ang Pinakamainam na Paraan sa Pagpapabilis ng Pagbabalik ng Panginoon?
Pinabubulaanan ng lathalaing ito ang pahayag na ginawa ng isang sumasalungat na kapatid na babae na ang bahay-bahay na pagpupulong ng hapag ng Panginoon ay ang pinakamainam na paraan sa pagpapabilis ng pagbabalik ng Panginoon. Wala sa mga Kasulatan ni sa ministeryo nina kapatid Nee at Lee ang nag-ugnay kailanman ng alinmang pagsasagawa ng pagpupulong sa pinakamainan na paraan ng pagpapabilis sa pagbabalik ng Panginoon. Sa halip, inihahayag ng ministeryo mula sa mga Kasulatan ang dalawampu’t apat na positibong aytem sa ating pamumuhay at paghahabol na makapagpapabilis sa pagbabalik ng Panginoon.” BASAHIN ANG BUONG LATHALAIN…